39

3.5K 87 4
                                    

Chapter 39

It's been 3 months after the team building. At ilang araw na lang Pasko na. Excited na ako dahil sa apartment kami magpapasko ni Elmo. At kasama rin si Patrick dun.

"Hoy dapat may kris kringle!!!" ani Patrick.

Andito kami sa office ngayon at nagkkwentuhan kaming dalawa. Si Maqui kasi wala pa. Napapadalas ang late na pagpasok niya. Siguro dahil mas madalas na rin silang magdate ni Gino. Ang cute nga nila eh. One time sumama kami ni Patrick sa kanila tapos nagpunta kami sa Eastwood para manuod ng movie. Ang sweet ni Gino. Aakbay siya kay Maqui tapos parang kakabigin niya para lalong mapalapit si Maqui sa kanya. Tapos sinasandal niya yung ulo niya kay Maqui kapag nanlalambing. Parang bata pero ang cute. Natutuwa kami ni Patrick sa kanila.

"Dapat magstart na tayo bukas. I mean sakto kasi 5 days na lang Christmas na." sabi ko naman.

"Yes girl. Bunutan na tayo mamaya. Gora ka muna sa apartment para masaya tayiz. Isali na natin si Mama H!"

"Oo na bakla." natatawang sabi ko.

"Hi guys." bati ng bagong dating na si Maqui.

"Ay dumating din sa wakas. Anetch na girl? Puyat ka nanaman?" tanong ni Patrick.

"Huh? Hindi. Natraffic lang kami ni Gino. May banggaan kasi dun banda sa Ortigas eh." sabi niya.

"Julie, tawag ka pala ni ma'am." biglang sabi ni Reg.

"Ha? Bakit daw?" pagtataka ko.

"Ewan. Importante daw eh." kibit-balikat na sabi niya saka na naglakad palayo.

Naglakad na ako papunta sa office ni ma'am at saka kumatok.

"Come in, Julie." sabi niya nang sumilip ako. Pumasok ako ng tuluyan and sat on the chair in front of her desk. Hinintay ko siyang matapos sa binabasa niya saka siya nag-angat ng tingin sa akin as she removes her eyeglasses.

"Pinatawag niyo daw po ako." sabi ko.

"Yes." sagot niya saka pa ngumiti sa akin. It's weird actually. Ma'am Clarisa never smiles. "You see, we've been having a little transaction with one of the magazines in New York, GQ and honestly they've been very happy with the outputs we've been sending them..."

Hindi ko magets kung bakit sa akin lang sinasabi ito ni ma'am. Hindi ba dapat sa buong company niya ito ipaalam? I mean, we're all part of BizMag's success. Hindi lang ako.

"And they decided to have you as one of their writers!"

Nagulat ako saka napatingin sa kanya. Ako?! Writer sa New York?! Sa GQ?!

"A-ano po?"

"You've been accepted as one of their writers, Ms. San Jose!" masiglang sambit niya. Literal na nalaglag ang panga ko sa narinig na balita. Me? Accepted as GQ's writer? How?! Wala akong maalala na nagsubmit ako ng application dun! At isa pa, wala akong balak umalis ng Pilipinas!

"M-ma'am, hindi po ako nag-apply sa GQ. Paano po ako maaaccept?"

"Well, I told you we've been updating them about the magazine and sa lahat ng writers natin, ikaw ang pinakanakapukaw sa attention nila. They want you for their company. Ayaw mo ba nun? That's a great opportunity, Julie."

"Pero..."

"I'm giving you until the end of March to decide on that. Pag-isipan mong mabuti to Julie. This is one big leap." aniya.

Wala sa sarili akong lumabas ng opisina niya at saka sumalampak sa swivel chair ko. Tumingin sa akin sina Maqui at Patrick na parehas nakakunot ang noo.

The ExWhere stories live. Discover now