18

3K 87 10
                                    

Chapter 18

Abala kami sa pagkkwentuhan dito sa restaurant ni Daryl. Masaya naman siyang kasama lalo na nang dumating ang kaibigan niyang si Gino na siyang business partner niya rin sa Derby's.

"So ito na nga. Si Daryl kasi, sa aming magkakaibigan ha? Yan ang pinakamatinik sa chics! As in! Mga tipong nung college kami? Edi pupunta kami sa bar diba? Wala lang. Chill lang ganun. Papasok pa lang kami ng bar, may mga kausap ng chics yan na dun lang niya nakilala. Syempre kami namang magbabarkada hahayaan lang siya. Diyan maligaya yan eh. Habol naman namin dun inom eh. Siya naman iba. Hahahahahaha." kwento ni Gino.

"Gago ka dude. Sinisiraan mo ko. Baligtad naman yang kwento mo eh. Ikaw yun eh!" sabi ni Daryl.

"Anong ako?! Ikaw diyan may pinakamaraming pinaluha no. Nanisi ka pa." sagot naman ni Gino.

"Di naman maiiwasang ganun eh diba? I mean, diba banda kayo dati? Hindi ka ata tunay na band member kung di ka matinik sa mga babae eh." ani Maqui.

"Ewan. Depende rin kasi. Parang nakatatak na sa utak ng tao na kapag banda kayo, mga babaero kayo. Pero hindi naman lahat." sabi ni Daryl.

"Tumutugtog pa rin kayo hanggang ngayon?" tanong ko.

"Hindi na yung may gig. Pag nagkakasama na lang kami. Jamming na lang ganun. Kasi yung vocalist namin, si Hugo, busy na kasi ikakasal na. Tapos yung isang gitarista naman namin nakabase na sa Canada so yun. Pag umuuwi siya dito tsaka na lang kami nakukumpleto." sagot niya.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan nang biglang nagring ang phone ko.

"Excuse lang ha?" paalam ko saka na tumayo at lumabas bago ko sagutin ang tawag. "Hello?"

"Where are you?" tanong ng nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko saka ko tinignan kung sino yun. Si Elmo pala.

"Bakit mo naman tinatanong?" tanong ko sa kanya.

"I'm asking you kung asan ka. Bakit sinasagot mo ko ng tanong din?"

"Look, I'm with my friends okay? Wag mo na alamin kung saan and damn it don't you even dare use your stalker app or something. Hindi kita boyfriend para 24/7 mo kong bantayan ha? Bye na." sabi ko saka na siya binabaan.

"Sino yun?" tanong ni Maqui nang makabalik ako.

"Hay Frencheska Mae. Brady ka today ha?" ani Patrick. "Malamang si Elmo. Sino pa nga bang caller ni Julie diba? Alangan si Mama H eh di naman marunong gumamit ng cellphone yun. Hahahahaha."

"Gaga ka. Malay mo sila Gela. Talaga to." sabi naman ni Maqui.

"Elmo? Sino yun? Yung sa pambatang show?" tanong ni Gino saka pa tumawa.

"Baliw!" sabi naman ni Jared at saka pa nakipag-apir kay Gino.

"Ex ni Julie yun na nakikipagbalikan uli." sabi naman ni Patrick.

"Bakit siya nakikipagbalikan?" tanong ni Gino.

"Ewan ko." sagot ko naman.

"Baka naman kasi mahal ka pa kaya ganun?" sabi naman ni Jared.

"Pero mga pare alam naman nating lahat na kapag nakipaghiwalay tayo sa babae, hindi na natin sila agad nababalikan. Syempre nasira na natin yung tiwala nila diba? Lalo na kung ang rason ng hiwalayan eh may iba." sabi ni Daryl.

"Truelaley! Yan din sinasabi namin dito kay Julie eh. Wag na pabalikin kasi nga naloko na. Eh kaya lang alam niyo na. Puso ang pinapairal." sabi ni Patrick.

"Okay lang naman pairalin ang puso. Pero mas maganda kung nagkakatugma yung sinasabi ng puso at utak mo diba?" sabi ni Jared.

"Wow! Brainy ka ngayon, Red ha? Nice one!" sabi ni Gino at saka pa niya ginulo ang buhok ng kaibigan.

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon