34

3.7K 81 4
                                    

Chapter 34

Pagdating namin dun ay hinatak ako agad ni Elmo sa isang burger stall. He's a fan of these American greasy food. Agad siyang umorder ng double decker cheeseburgers at fries pati na rin ang houseblend iced tea nila. Pagkatapos ay lumipat siya sa kabilang stall para naman umorder ng Mexican tacos at quesadillas at huling binili niya ay ang platter ng California Maki.

"Uhm... Last supper na ba to?" di ko mapigilang di itanong sa kanya. Para kasi siyang magpapakain ng isang basketball team sa dami ng inorder niya. Or pwede din na parang sisintensyahan na kami ng death penalty after nito.

"Hahaha. No! Syempre dinner natin to. Mamaya magddessert tayo. May fried ice cream dun sa kabila." masiglang sambit niya.

"Seryoso ka ba? Eh parang good for 10 people na to eh!" sabi ko habang pinagmamasdan ang table namin. Tumawa lang naman siya saka niya kinuha ang phone niya.

"Asawa, picture tayo." anyaya niya. Tinaasan ko siya ng isang kilay at ngumisi lang naman siya sa akin. "Please?"

"Grabe. Kailan ka pa nahilig magpicture?" tanong ko habang umaayos ng upo sa tabi niya.

"When I realized that pictures never change even when the people in it do. Tsaka gusto ko everytime we do something na parang bago sa ating dalawa, may memories tayo." aniya. "Okay? 1...2...3... Smile!"

Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti para sa picture namin. It was actually a nice shot. Malalaki ang ngisi naming dalawa as our heads touched each other. Tapos nahagip pa yung mga pagkain.

"Kain na tayo?" sabi niya. Tumango naman ako saka na kami nagsimulang kumain. "This is actually my first time to eat here." sabi niya maya-maya.

"Really?! Samantalang kanina parang kabisado mo na lahat ng stalls na andito." sabi ko naman.

"I saw this in the internet. Tapos nirecommend din siya sa akin ni Juancho, one of my employees. So yun. Sabi ko susubukan ko to kapag ikaw ang kasama ko." sabi niya.

"Talaga lang ha?" asar ko sabay kurot sa pisngi niya. "Daming alam ng asawa ko. Sarap sapakin!"

"Brutal ng asawa ko! Sarap bugbugin!" sabi naman niya.

"Ano?!" gulat na tanong ko.

"Bugbugin ng pagmamahal. Kaw talaga. Di pa ko tapos eh. Hahahaha!" he laughed. Ngumuso naman ako saka na lang kumain ulit. "Pikon nanaman siya." aniya.

"De ah. Bwiset ka kasi. Lahat na lang ata ng banat sa mundo alam mo na." sabi ko sa kanya. Tumawa lang naman siya saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi.

"Baka lang kasi makalusot yung isa sa mga banat ko." bulong niya. "Nga pala, I forgot to tell you. I love you, asawa."

Napangiti naman ako saka ako humarap sa kanya.

"I forgot to tell you that I love you more, asawa." sagot ko naman.

"Parang di naman ako papayag dun sa more na yun. I love you most."

"Pfft. I love you to infinity. Wag na makipaglaban please. Wala kang karapatan." irap ko.

"Meron pa. I love you fiveever." sabi niya.

Sasagot pa sana ako nang halikan na niya. Smack lang pero sobrang namula ako sa ginawa niya. Malamang! Di lang naman kaya kami ang kumakain dito. Narinig ko pa ang hiyawan ng ibang taong kasabay namin dun. Bwiset talagang Elmo na to.

"Sabi sa internet, to make a girl shut up from arguements, you just have to kiss her." aniya.

"Oh talaga? At kailan pa naging love guru ang internet aber?" sabi ko naman.

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon