12

3.7K 100 3
                                    

Chapter 12

"Sssshhhhh. Wag kayong maingay!" pabulong na sabi ni Jacky nang marinig namin ang pagbubukas ng gate.

"Aray ko, Maya! Yung paa ko naapakan ng takong mo!" sabi naman ni Maqui.

"Sorry na!" ani Maya. "Oh ayan na!" excited na sambit niya nang magbukas na ang main door.

"Wala pa sila?" rinig naming sabi ni Gela.

"SURPRIIIIIIIIIISE!!!" sabay-sabay na sabi namin nang buksan ni Gela ang ilaw. "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday! Happy Birthday Gela!" kanta namin habang lumalapit sa kanya at dala ni Jacky ang cake.

"Wish!" ani Maya. Pumikit naman si Gela at maya-maya pa'y hinipan na rin ang kandila.

"Yeheeeey!!! Happy Birthday, Gels!" bati uli namin.

"Thank you! Grabe kayo!" aniya na halatang hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin.

"Tara kain na tayo." anyaya ni Maya. "Favorite mo to Gels. Carbonara!"

"Shet! The best ka talaga Maya." sabi naman ni Gela saka na kami nagtungo sa dining.

Nagkwentuhan kami habang kumakain. Si Gela, halata mong masaya dahil sa ginawa namin. Di maawat sa thank you eh. Nagkwento rin siya tungkol sa team building nila at kinausap na daw siya finally ng crush niya.

"Grabe talaga. Sana pala dati pa kami nag team building. Sa ganun lang pala ako kakausapin ni Tim eh. Hahahaha." aniya.

"Bakit ba kasi di ka niya kinakausap dati?" pagtataka naman ni Maqui.

"Ewan ko dun. Takot ata sa babae? Pero imposible eh. Kasi lahat ng officemate namin na babae kinakausap niya except sa akin." sabi niya.

"Gels, ikaw ba naman kasi may nagliliyab na buhok diba?!" asar ni Jacky. Binato siya ni Gela ng kandila mula sa cake at nagtawanan naman kami.

"Siraulo!" ani Gela. "May iba pa sa office na mas matingkad yung kulay ng buhok kaysa saken no."

"Baka naman may gusto din siya sayo pero natotorpe siya?" sabi naman ni Maya.

"Oo nga!" sang-ayon naman nina Maqui at Jacky.

"Ano sa tingin mo, Jules?" tanong sa akin ni Gela.

"H-ha?!" gulat na sambit ko.

"Sa tingin mo gusto rin ako ni Tim pero natotorpe lang siya?" tanong niya.

"Uhm... Siguro. Kasi madalas naman ganun diba? Na ano... Na torpe yung lalaki lalo na kung ano... Kung gusto niya talaga yung babae." sagot ko. Nagulat nanaman ako nang magvibrate ang phone ko.

+639214537280:

Hope you're having fun with your housemates. I miss you. -E.

Asawa, I love you. Mahal na mahal kita. Aayusin natin to ha? I can't live without you, asawa. -E.

"Bes?" tawag ni Maqui.

"Oh." kunot-noong sambit ko.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Yeah. Nasobrahan lang ata ako sa kape. Nagiging magugulatin na ko. Hahahaha." palusot ko.

"Sabi ko naman kasi sayo, Jules wag mo ipanligo ang kape! Hahahaha." biro ni Jacky saka pa sila nagtawanan nina Gela at Maya. Naaninag ko namang nakatitig lang sa akin si Maqui. Jusme. Alam na kaya niya?

"Oo nga pala. Himala walang bakla dito sa bahay ngayon?" puna ni Gela. "San si Patrick?"

"Andun sa bahay ng lola niya. Umuwi kasi galing Australia eh. Paboritong apo kasi yun." sagot naman ni Maqui.

The ExWhere stories live. Discover now