9

3.1K 92 14
                                    

Chapter 9

"Julie, wala na ding gatas." sabi ni Gela na abala sa paglilista ng groceries. Kami kasi ni Maqui ang assigned na bumili ng groceries ngayon kaya naman naglilista na si Gela ng mga dapat naming bilhin.

"Sige lang, Gel. Lista mo lang." sabi ko habang inaayos ang budget namin. Si Jacky naman kasi ang assigned sa pamamalengke. Samantalang si Gela at Maya naman ang naghati sa bills namin sa kuryente, tubig, phone, cable at internet.

"Pagongness ever Angela Mae!" reklamo ni Patrick.

"Hoy bakla wag kang magrereklamo ha? Kasalanan ko bang mas masiba ka kaysa sa aming boarders ni Mama H, ha?" sabi ni Gela.

"Pakilagyan na rin ng yoghurt sa listahan mo, Angela Mae. Jujubis ako ditey eh. Waley man lang kayong mga pang sexy diyan?"

"Wala. Sexy na kasi kaming lahat!" sagot naman ni Jacky saka pa sila nag-apir ni Maya.

"Lecheng tibolibambam na itey. Parape kita bet?!" sabi ni Patrick sa kanya.

"Baka may pumatol, Pat. Baka. Hahahahaha." sabi naman ni Maqui.

"Nakakaloka! Ayoko na ditey sa baler na itey! Naaapi lang ang beauty ko here!" maarteng sabi niya saka pa nagkunwaring umiiyak. "Niyurakan ang pagkatao ko! Inalipusta ako!"

"Bigyan ng plaque yan!!!" sabi ni Maya saka pa kami nagtawanang lahat.

"Oh ayan na! Tapos ko na yung bibilin sa groceries tsaka sa palengke." sabi ni Gela sabay abot sa amin ni Jacky ng listahan.

"Alright. Ito na yung pambayad sa bills. Nasegregate ko na yung sa kuryente, tubig, phone, internet tsaka cable." sabi ko naman saka inabot sa kanila ni Maya ang sa bills.

"Oks. Tara na!" sabi ni Maqui saka na kami umalis nina Patrick.

Pagdating namin sa mall ay nagdiretso agad kami sa grocery. At dahil maaga pa naman kaya konti pa lang ang tao.

"Ay. Bet ko na maggrocery pag morning. See? Waley blockbuster line sa cashier! At! Hindi mabaho sa fish area." sabi ni Patrick habang tinutulak niya ang cart.

"Oo nga eh. Naalala niyo dati? Nung naggrocery tayo after sa office? Grabe! Feeling tributes yung mga tao eno?" sabi naman ni Maqui.

"Oo nga eh. Akala mo may zombie apocalypse no?" sang-ayon ko naman. Nagtungo na kami sa aisle ng mga gatas, chocolate drink, tea at coffee nang biglang huminto si Patrick at Maqui. "Hoy. Ano na?" sabi ko nang lingunin ko sila.

"J-Julie mamaya na kaya tayo dito? Diba mas marami pa tayong kailangan sa toiletries? Dun muna tayo." sabi ni Maqui habang papalapit na sila saken ni Patrick.

"Ha? Eh andito na tayo eh. Teka lang!" sabi ko nang hatakin na nila ko paalis sa aisle na yun. "Aray! Ang adik niyong dalawa!" sabi ko nang huminto kami.

"Parang di ko na bet maggrocery ng umaga. No, Maq?" ani Patrick.

"Onga eh. Eh kung manuod na lang muna kaya tayo ng movie? Dali!" suggest ni Maqui.

"Ay! Bet na bet ko yan. Sa lahat ng sinabi mo, friend yan lang kinatuwa ko sayo. Tara na!" sabi ni Patrick saka na iniwan ang cart at hinatak na kaming dalawa ni Maqui.

"Teka nga!" pigil ko sa kanila. "Bakit ba bigla kayong nagkaganyan? Baliw na ba kayo? Andito na tayo eh. Tapusin na muna natin to bago tayo gumala." sabi ko.

"Ha? Eh kasi natatae ako bigla girl. Labas muna tayo di na keri ng pwet ko. Obama's calling me!" sabi nanaman ni Patrick saka na kami muling hinatak.

"Pat, ikaw na lang. Bumalik ka na lang dito after mo. Tsaka may cr diyan sa may costumer's service oh. Diyan ka na lang." sabi ko.

"Hindi! No way! Eww! Tsaka namamahay yung pwet ko girl. Gusto sa apartment niyo."

The ExWhere stories live. Discover now