23

3.6K 90 7
                                    

Chapter 23

"Tangina ang landi!!!" asar sa akin ni Patrick. Kanina pa nila ko inaasar actually. Simula nang matapos kaming mag-usap ni Elmo ay wala na silang humpay sa pang-aasar sa akin ni Maqui. Kakainis na nga eh!

"Di ko kinaya yun bes ha? Lupit!" ani Maqui sabay subo ng kanin. Andito na kasi kami sa KFC at kumakain na ng lunch.

"Ts. Ano bang masama sa sinabi ko ha? Totoo naman yun."

"Eh kasi nga! Akala namin friend wala ka ng tamis sa katawan. Sus! Parang nung nakaraang mga araw lang more ka pa sa pang-aaway sa kanya tas ngayon may 'I just want you to come home safely' ka ng nalalaman?!" sabi ni Patrick.

Umirap na lang ako sa kanila at nagpatuloy na sa pagkain. Baliw talaga tong mga to.

"So kayo na?" tanong ni Patrick. Binatukan naman siya ni Maqui. "What?!"

"Hindi pa sila tanga. Bakla, back to square one ang peg nila okay? Getting to know each other muna." sabi ni Maqui.

"Frencheska Mae, tapos na sila dun please? I mean graduate na sila sa stage na yun diba? They're just coming back to each others' lives. No need for that stage.They know each other very well."

"Hindi pa kami Pat. I'm just letting him do what he wants. Gusto niya daw patunayan na seryoso siya when he told me that he still loves me kaya I'm letting him do what he wants." tumango silang dalawa at saka kumain.

"I think he is serious. Mukhang nag level up pa nga siya eh." sabi ni Maqui. "Todo effort ha? Diba?"

"Truelaloo!" sabi ni Patrick. Ngumiti na lang ako at tumango.

Mabilis na natapos ang araw namin. Pagbalik kasi sa office ay agad na kaming nagseryoso sa trabaho at di na namalayang uwian na pala.

"Ma'am ito na po yung article ko." sabi ko pagpasok sa office ni Ma'am Clarisa.

"Okay. Uuwi na kayo?" tanong niya. Tumango naman ako saka ngumiti. "Alright. I'll read this later. Ingat kayo."

"Thank you po ma'am. Kayo din." sabi ko saka na lumabas.

"Sama kayo? Coffee tayo." anyaya ni Essa nang magkasabay-sabay kami sa elevator.

"Uhm... I can't." sabi ko.

"Ha? Bakit?" pagtataka naman ni Reg.

"May date yan girl. Kami ni Maq sasama kami." si Patrick ang sumagot.

"Ah. Kaya naman pala. Ayiiie. Boyfriend mo na ba uli si Mr. Magalona?" tanong ni Reg at siniko-siko pa ko.

"Hindi no! Nagyaya lang naman siya makipagkita. Di naman date to." sabi ko.

"Palusot.com/hindidawdate ang peg ni Julie Anne." irap ni Maqui.

Lumabas na kami ng elevator at agad naming namataan ang sasakyan ni Elmo. He's leaning on the passenger's side as he stares at the office building's door. Nakapamulsa pa siya.

"Gwapo talaga ni Mr. Magalona." sabay na sabi nina Reg at Essa.

Tumingin uli ako kay Elmo and smiled. He's wearing a white long sleeved polo that's folded up to his elbow, faded jeans and topsider. Yeah. Gwapo talaga yan. Kaya nga nainlove ako diyan eh. Kaya nga di ako nakamove on eh.

"Elmo!" tawag ni Maqui nang makalabas kami.

"Hey guys!" bati ni Elmo sa kanila. Tumingin siya sa akin saka ngumiti at lumapit. "Hey there." bati niya sabay halik sa pisngi ko. Nagulat ako at naramdaman nanaman ang pag-init ng pisngi ko.

"Inday, nagdagdag ka ba ng blush-on? Pula much?" puna ni Patrick. Hinampas ko siya at nagtawanan naman silang apat. Si Elmo naman nakatitig lang sa akin.

The ExWhere stories live. Discover now