8

2.9K 91 7
                                    

Chapter 8

Monday nanaman. Nakakatamad talagang bumangon tuwing Lunes. Bumaba na ako at naabutang nagkkwentuhan sina Maqui, Gela, Jacky at Maya sa terrace habang umiinom sila ng kape. Pagkakita nila sa akin ay agad nila kong binati.

"Morning, bes." ani Maqui.

"Morning, Julie!" bati naman ng tatlo.

"Uh... Good morning." sagot ko saka umupo sa tabi ni Maqui.

"Nga pala bes, tumawag si Mang Robert. Okay na daw yung kotse mo." sabi ni Maqui.

"Ha? Paanong okay yun eh di ko pa bayad yun? Wala pa tayong sweldo kaya nga sabi ko sa kanya wag muna simulan eh."

"Ewan ko. Ang aga niyang tumawag eh. Si Mama H pa nakasagot. Eh yun nga. Ready for pick-up na daw." sabi niya.

"Ganun? Teka tatawagan ko lang siya." sabi ko saka na pumasok ng bahay. Dinial ko na ang number ng talyer at hinintay na may sumagot dun.

"Robert's Auto Services. Hello?"

"Anj?" sambit ko nang mabosesan ang secretary ni Mang Robert.

"Uy, Julie! Ano? Kukunin mo na ba yung kotse mo? Ipapaready ko na kanila Marco." sabi niya.

"Ah ano, mamaya na lang. Mga 6 ko kukunin after sa office." sagot ko.

"Osige."

"Teka. May tatanong lang ako. Bakit sinimulan na ni Mang Robert? Di ko pa bayad yan eh."

"Huh? Eh may pumasok na pera sa account ni sir eh. Kaya pinagawa na agad niya. Nagulat nga kami eh. Kasi yung perang dumating, para sa piyesa na brand new. Eh diba ang sabi mo surplus na piyesa na lang? Ayun. Pero brand new yung nilagay namin." kwento niya.

"Paanong... H-hindi ako naghulog ng pera sa account niya. Sabi ko sa sweldo na eh sa katapusan pa yung sahod eh."

"Di ko alam eh. Kausapin mo na lang si sir mamaya. Wala pa kasi siya eh." aniya.

"Sige. Uhm... Mamaya na lang. Salamat."

"Sige. Bye, Julie." saka na natapos ang call.

"Anyare?" tanong ni Maqui pagkapasok niya ng bahay.

"May nagdeposit daw ng pera sa account ni Mang Robert." sabi ko.

"Sino?" nagkibit-balikat lang naman ako at saka na lang umakyat para maligo.

Pagdating sa office ay agad kaming sinalubong ni Reg.

"Pinapatawag kayo ni tanda." pabulong na sabi niya.

"Bakit daw?" pagtataka naman namin ni Maqui.

"Di ko alam eh. Mainit ulo."

Naglakad na kami papunta sa office niya saka pumasok.

"Maupo kayong tatlo." bungad sa amin ni ma'am.

Tahimik naman kaming naupo sa couch at hinintay ang sasabihin niya.

"What the hell did you three do to Mr. Magalona? Ha?! My god! Bibigyan niyo ng kahihiyan ang kumpanya!" sigaw niya.

"M-ma'am..."

"Nakita sa CCTV that you were with him at the service staircase the night of the party. At alam niyo naman siguro ang ginawa niyong tatlo diba? What is wrong with you?! Malaking personalidad ang binangga niyo! For God's sake! Patrick!"

"Ma'am."

"Bakla ka ba talaga?!" tanong niya.

"Opo."

The ExWhere stories live. Discover now