5

3.5K 93 8
                                    

Chapter 5

"Julie tapos mo na ba yung article about kay Mr. Magalona?" tanong sa akin ni Ma'am Clarisa tatlong araw makalipas ang interview.

"Uhm... H-hindi pa po ma'am eh."

"Tapusin mo na. I need it by 3pm today. Understand?"

"S-sige po." umalis na siya sa cubicle namin at nagkumpulan nanaman kaming tatlong magkakaibigan.

"Hala bes. Paano yan? Di mo natapos yung interview mo." ani Maqui.

"Uhm... Bahala na." sabi ko.

"Ay nako girl. Naalala ko pala. Wala akong portrait shot niya." sabi naman ni Patrick.

"Ayun lang. Patay tayong tatlo kay Clarisa niyan." ani Maqui.

Bumalik na kami sa trabaho at pinilit ko namang tapusin ang article tungkol kay Elmo kahit pa wala na akong mailagay. Pagkatapos ay pinrint ko na yun saka na nagpunta sa office ni Ma'am Clarisa.

"Ano to?" tanong niya pagkabasa ng article.

"Uhm..."

"Napakakonti ng nilagay mo rito Julie. We are supposed to write a 6 page article about him dahil siya ang cover ng Biz Mag! Asan si Patrick?!" galit na sambit niya.

"Yes, madam?" malanding sabi naman ni Patrick saka pumasok ng office. "Nakakaloka ka ha? No need to make utos of Reg kasi hear na hear ko ang loud voice mo sa cubicle namin. Bongga!"

"Wag mo kong madaan-daan sa kabaklaan mo Espinosa. Asan na yung pictures? I need the cover layout now!"

"Ay! Nick Fury is that you?! Waley pa ma'am." aniya.

"Anong wala pa? That was three days ago at hanggang ngayon wala pa rin?!"

"Eh wala nga kasi girl." sabi naman ni Patrick. "Di namin napicturan."

"Bakit?" tanong ni ma'am.

"Eh nasira yung camera ko. Di kasi photogenic si Mr. Magalona. Ayun! Boom clap ang peg ni camera."

"Patrick, pwede for once seryoso naman? We need to perfect this issue!"

"Eh wala ngang picture! Anong magagawa ko aber?"

Suminghap si ma'am saka niya kami tinignan ni Patrick.

"I will request for another interview. Swerte niyo kapag pumayag ulit si Mr. Magalona. Pero kung hindi, I will suspend your team. Understand?!" aniya.

"Psh. Parang mas swerte kami kapag suspended na lang." bulong ni Patrick. "Ouch!"

"Manahimik ka muna bakla." bulong ko.

"Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong nanaman ni Ma'am Clarisa. Tumango kami saka na lumabas ng office niya.

"Ansabe?" tanong ni Maqui na nakatayo sa labas ng office ni Ma'am Clarisa.

"Suspended daw tayiz pag di pumayag ang kolokoy sa second interview. Nakakaloka ha? Hello?! Mas masaya kaya yun!" ani Patrick.

"Second interview?!" gulat na sambit ni Maqui. "You mean..."

"Yes, Frencheska Mae. Gorabels uli ang beauty natin dun. Nako talaga naman. Subukan pa ng bwiset na lalaking yun na landiin tong si friendship nako! Itutulak ko siya sa balcony niya nang matauhan!" sabi ni Patrick saka na naglakad pabalik sa cubicle.

"Seryoso?" tanong ni Maqui sa akin. Marahan naman akong tumango saka na kami sumunod kay Patrick.

Kinabukasan pagpasok naming tatlo sa opisina ay agad kaming sinalubong ni Reg. May hawak siyang papel at nagmamadali siyang lumapit sa amin.

The ExWhere stories live. Discover now