32

3.3K 99 1
                                    

Chapter 32

"All here?" tanong ni Elmo bago niya isara ang trunk ng kotse niya. Tumango naman ako saka ko na hinarap si Mama H. Siya na lang ang nasa bahay dahil maagang pumasok sina Gela, Jacky at Maya. Si Maqui naman halos kakaalis lang.

"Mama..." sabi ko and hugged Mama H. Niyakap niya rin ako at sinubsob ko pa lalo ang ulo ko sa balikat niya. "Ma, mamimiss ko kayo."

"Mamimiss ka rin naman anak." aniya. "Pero dadalaw ka pa rin naman dito diba?"

"Oo naman, ma. Every weekend pupunta ako dito." sabi ko sa kanya.

"Sige. Aasahan ko yan ha?" tumango naman ako at niyakap siya uli. "Yung mga bilin ko anak ha? Wag kang masyadong magpapagod. Baka magkasakit ka. Wag ka din magpupuyat. Alam mo namang di ka sanay sa ganun eh. Tsaka kapag may gusto kang lutuin na di mo alam ang gagawin, tumawag ka lang dito ha? Tutulungan kita."

"Opo, ma." sabi ko. Humalik na ko sa pisngi niya saka na lumapit kay Elmo.

"Alis na po kami, ma." paalam ni Elmo.

"Ingat kayo." ani Mama H saka na kami sumakay ni Elmo sa kotse.

Tahimik lang kami buong biyahe. Ayoko din naman magsalita kasi kahit na wala pang ilang oras ang pagkakahiwalay ko kay Mama H at sa apartment ay nalulungkot na agad ako.

"Sepanx?" ani Elmo saka ko pa naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko. Lumingon ako sa kanya saka marahang tumango.

"Sorry." I said.

"You don't have to say sorry. I understand it naman. Matagal mo silang nakasama. Practically half of your life ay sila ang kasama mo. Especially Maqui and Mama H. Naiintindihan kita, asawa."

"Thank you." sabi ko and kissed his hand.

Pagdating namin sa condo ay sinalubong kami ni Mang Nicolas sa may parking. Agad niyang kinuha ang mga bag ko at saka na naunang umakyat sa amin. Kinuha naman ni Elmo ang natirang bag saka na kami sumunod kay Mang Nicolas.

"I have a question." sabi ko.

"Yeah? Ano yun?"

"Sa condo mo din ba nakatira si Mang Nicolas?"

"No. He lives with his daughter. Sa may Sta. Mesa sila nakatira." sagot niya. "Bakit?"

"Wala lang. Di ko naman kasi napansin nung nagstay ako sa condo mo last time eh."

"Ah. Hindi ko naman kasi siya pinapapunta kapag kaya ko naman yung biyahe. Driver ko lang siya kapag malayuan. Like nung nagpunta akong Bicol tsaka sa Baguio. Pero kapag office lang, di ko na siya pinapapasok. Syempre may anak din naman siyang inaasikaso." sabi niya.

Tumango na lang ako at ngumiti. Kahit gaano talaga kayaman tong si Elmo, hindi niya tinatak sa utak niya na dapat ay amo siya. He bonds with his employees at hindi rin siya maarte. Ganyan siguro talaga kapag pinangak kang may gintong kutsara sa bibig. Hindi ka nang-aapak ng ibang tao.

Dumating na kami sa 19th floor at nakita ko kung paano lumapad ang ngiti sa labi ni Elmo. I can already feel his excitement radiating from his body. Mukhang mas excited siya kaysa sa akin.

"Welcome home!" aniya nang buksan na niya ang pinto.

Ngumiti ako saka na lang tumango at pinagmasdan ang kabuuan ng condo niya. Wala namang pinagbago sa living area. Yun pa rin ang black leather L-shaped couch niya at white center table. Wall-mounted pa rin ang 52" LED TV niya na may mababang itim na mesa kung saan nakapatong ang blu-tay disc player niya at xbox console. Sa dining area ay nagkaroon lang ng mga bulaklak bilang centerpiece sa 6-seater dining table niya. Sa kitchen ay ganun pa rin ang itsura.

The ExWhere stories live. Discover now