[8] Girlfriend??

556 19 2
                                    

Naglalakad sila Bey at Denisse sa campus nang may bigla silang narinig na tsismis.

“Ako bang pinaguusapan niyo?” matapang na tanong ni Bey.

“Kalat na sa buong campus na magkasama daw kayo ni Daniel na nagsimba. Totoo ba 'yun?”

“Pwede ba huwag niyong pinagtsitsismisan ang buhay ng kaibigan ko. Totoo man 'yun o hindi ay wala na kayo dun,” si Denisse naman ang sumagot.

“Nagtatanong lang. Ang sungit. Halika na nga!” Sabi nung babae tapos umalis na siya kasama ang mga kaibigan niya.

“Paano 'yan? Mukhang kalat na sa buong campus,” Nag-aalalang saad ni Denisse pero malalim lamang ang iniisip ni Bey.

“Sige ah, may pupuntahan lang ako,” sabi ni Bey pagkatapos ay tumakbo na ito.

“Saan naman 'yun pupunta?" Tanong na lamang ni Denisse sa sarili.

Habang nag-uusap naman sila Kevin at Daniel.

“Bro, believe na talaga ko sa'yo,” ani Kevin.

“Ba’t naman?”

“Si Bey Alarcon at si Daniel Ramirez nakatira sa isang bahay. Wow! Unbelievable!”

“Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan?”

“Kalat na kaya sa buong campus.”

“Ano?”

“Kung ayaw mong maniwala ay hindi ko na problema 'yun,” sabi ni Kevin dahilan upang biglang tumakbo si Daniel.

“Hoy! Saan ka naman pupunta?”

“Basta.”

Hinahanap ni Bey si Daniel at ganun din si Daniel sa kanya. Sa sobrang paghahanap ay kahit nadaanan na nila ang isa’t isa ay di man lang nila napansin. Buti na lang na-realize nilang dalawa na ang hinahanap nila ay nalamapsan na pala nila. Tumigil sila at humarap sa isa’t isa.

“May sasabihin ako sa'yo,” sabi ni Bey.

“Ako din.”

“Alam mo na ba na kalat na sa buong campus na magkasama tayong nagsimba?”

“Ano?” Gulat na saad ni Daniel.

“Ikaw ano ang sasabihin mo?”

“Mas matindi dun sa sinabi mo. Kalat na rin sa buong campus na magkasama tayo sa iisang bahay.”

“Sigurado ka?”

“Oo naman. Anong akala mo sa kin sinungaling?”

“So ano nang gagawin natin?”

“Just go on with our lives. That’s the simplest thing to do.”

Pagkatapos mag-usap nina Bey at Daniel. Tumambay muna sila Daniel at Kevin.

“Grabe bro! So totoo nga na magkasama kayo ni Bey sa iisang bahay? Paano 'yan? Di ba may gusto din kay Bey si Angelo?”

“Alam mong wala akong gusto kay Bey at ganoom rin si Bey sa akin kaya wala namang masama kung sila nga ang magkatuluyan.”

“Pero bro, mas lamang ka kay Angelo?”

“Paano mo naman nasabi 'yan?”

“Magkasama kayo sa iisang bahay ni Bey,” sabi ni Kevin at maya-maya pa ay biglang dumating si Angelo.

“Speaking of karibal,” sabi niya tapos biglang napatingin si Daniel at nakita niya si Angelo.

“Angelo, anong ginagawa mo dito?”  Tanong ni Daniel nang makalapit na si Angelo.

Campus SweetheartsWhere stories live. Discover now