[10] Real Friends

557 20 6
                                    

Nang makita ni Grace si Bey na mag-isang nakaupo ay agad nilang pinuntahan ni Phoebe ang huli.

“Anong ginagawa niyo dito?”

“Hindi kami nagpunta dito para awayin ka kundi ay para tulungan ka,” sabi ni Grace kaya tumango naman si Phoebe.

“Ano bang pinagsasabi niyo?” Nalilitong tanong ni Bey.

“May nabalitaan kasi kami na may gusto raw si Denisse kay Daniel," saad ni Grace dahilan upang mapailing si Bey habang nakangisi.

“Imposible 'yan.”

“Are you trying to say that I'm a liar?” Nakataas ang kilay na tanong ni Grace.

“Bakit kasi di mo muna kami pakinggan,” sabi ni Phoebe.

“May nagpadala sa amin kaya pakinggan mo,” sabi ni Grace tapos inabot niya ang phone niya at narinig nga ni Bey na totoo ang sinasabi ng dalawang dahil nakalaman doon ang pagsalaysay ni Denisse ng kanyang nararamdaman kay Daniel.

“Saan niyo nakuha 'to?” Tanong ni Bey habang hawak-hawak pa rin ang telepono ni Grace.

“May nagforward lang sa akin. Di ba Phoebe?” sabi ni Grace sabay tingin kay Phoebe ng matalim.

“Ah oo. So you know na Bey that we’re not a liar."

Umalis na si Bey at pinuntahan na si Denisse pagkatapos ay dinala niya ito sa sulok ng kanilang paaralan na hindi masyadong nadadaanan ng mga tao.

“Bakit may problema ba Bey?” Takhang tanong ni Denisse.

“Alam mo kung anong problema. Ikaw!”

“Paano naman naging ako? May nagawa ba kong mali?”

“Isang tanong, isang sagot. May gusto ka ba kay Daniel?” tanong ni Bey habang si Denisse ay hindi nakaimik.

“So totoo nga,” sabi ni Bey tapos naglakad na ito papaalis.

“Oo gusto ko sya pero kaibigan kita kaya ikaw ang pinili ko!” Sabi ni Denisse habang si Bey naman ay muling nagsalita habang nakatalikod kay Denisse.

“Alam mo kung talagang kaibigan ang turing mo sa akin, hindi ka dapat naglilihim,” sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Habang kumakain sina Angelo at Daniel sa cafeteria ay may bigla silang narinig na tsismis.

“Totoo kaya 'yun?” Tanong ni Daniel.

“Di ko alam. Siguro dapat ay hanapin na natin sila,” sabi ni Angelo tapos tumayo na sila ni Daniel at sinimulan na ang paghahanap kanila Bey. Nagpasya silang maghiwalay upang mas mabilis amg kanilang paghahanap.

Hanggang sa nakita ni Amgelo si Denisse. Inabot nito sa kanya ang panyo niyang puti at tiningnan naman siya nito bago kinuha ni Denisse at ipinunas sa mga luha niya.

“Ba’t ka nandito? Di ba dapat si Bey ang pinuntahan mo?” Tanong ni Denisse habang nakatingin pa rin sa unahan. Naramdaman naman niyang umupo na rin si Angelo sa tabi niya.

“Alam mo tama ka, si Bey naman talaga ang hinahanap ko pero nakita kita kaya alangan naman ipagsawalang bahala lang kita.”

“Itong bracelet na 'to bigay 'to sa 'kin ng daddy ko. Kinder pa lang kami ni Bey nagtutulungan na kami. Siguro kaya kami naging malapit sa isa’t-isa kasi parehas kaming lumaking walang ama walang nagtatanggol sa amin kapag may nang-aaway sa amin kundi kaming dalawa lang rin. Kahit noon hindi kami mapaghiwalay, daig pa naming magkapatid pero ngayon di ko na alam,” kwento ni Denisse habang may mapait na ngiti sa kanyang mukha.

“Ano bang pinagsimulan ng away niyo?”

“Si Daniel.” Sagot ni Denisse dahilan upang tuluyan nang maguluhan si Angelo.

Campus SweetheartsKde žijí příběhy. Začni objevovat