[6] Campus Sweethearts

681 20 7
                                    

Gumising si Bey nang maaga para magluto ng pagkain. Pagkatapos niyang magluto ng pagkain ay mga ilang minutong nakalipas bumaba na rin si Daniel.

“Anong pagkain?”

“Ayan oh,” inis na saad ni Bey sabay ikot ng kanyang mga mata.

“Ano ito?” Tanong ni Daniel nang kumuha siya ng isang piraso.

“Ano pa! Eh di friend chicken!”

“Anong klaseng fried chicken 'to? Sunog na 'to ah."

“Kumain ka na nga lang,” ani Bey at padabog na umupo.

“Magpapadeliver na nga lang ako.”

“Anong magpapadeliver ka? Hindi pwede!”

“Bakit naman hindi?” Nakataas ang kilay na tanong ni Daniel

“Hello! Gumising kaya ako ng madaling araw para lutuin 'yan kahit hindi ako marunong ay nag-try pa rin ako tapos magpapadeliver ka lang, 'tsaka isa pa ma-la-late na tayo at sayang pa sa pera. Kaya pagtyagaan mo na lang 'yan.”

“Sige na nga pero sa susunod siguraduhin mo magpapadeliver ka.” Napipilitang wika ni Daniel.

“Oo na.”

Nang matapos na ang dalawa sa paghahanda ay nagpasya na sila magpunta sa kanilang school.

Habang nasa loob sila ng kotse.

“Dito na lang ako.”

“Anong dito lang? Dun kita sa campus ibaba.”

“Ano?Okey ka lang?” Tanong ni Bey sa nanlalaking mata.

“Bakit natatakot ka ba na maraming babaeng magagalit sa iyo kasi hinatid ka ni Daniel Ramirez?” May pang-aasar sa boses ni Daniel.

“Hindi ah!"

“Hindi naman pala,” wika ni Daniel at wala nang nagawa si Bey.

 Pagbaba ni Bey sa kotse ni Daniel halatang sila ang pinag-uusapan ng mga tao sa paligid nila. Nagwalang kibo na lang ito at kwenento kay Denisse ang nangyari nung umagahan.

“Grabe nakakatawa talaga yung mukha niya! Sayang di mo nakita,” ani Bey habang tumatawa.
                      
“Alam mo, ikaw ang kalokohan mo. Pati ba naman manok pinagtripan mo,” naiiling na wika ni Denisse sa kaibigan.

“Syempre 'no. Hindi ko talaga makalimutan 'yung kanina. Inis na inis siya,” hindi pa rin natatapos sa pagtawa si Bey.

“Ang sama mo ”

“Hindi ako masama. Gumaganti lang ako.”

Habang pinaguusapan din nina Angelo at Daniel si Bey.

“Kainis talaga ang Bey na 'yun.”

“Bakit? Ano na namang ginawa niya?”

“Paano ba naman kasi, nagluto ng sunog na fried chicken!”

Natawa si Angelo bigla sa sinabi ni Daniel.

“Bakit ka ba tumatawa?”

“Pano kasi di ko man lang nakita 'yung reaction mo kanina. Sigurado ako kanina ka lang nakakain ng sunog na fried chicken,” pang-aalaska pa ni Angelo.

“Nang iinis ka pa.”

Uwian na nang sinundo ni Daniel si Bey at sa harapan pa talaga ng maraming tao. Kailangan niyang makaganti sa babae.

“Ano pa bang hinihintay mo? Sakay na.”

Nagaalangan pa itong sumakay sa kadahilanang maraming nakatingin na tao sa kanila. Nagbubulungan pa sila na parang sila Bey ang pinaguusapan. Wala siyang magagawa, kailangan niyang sumakay na

Campus SweetheartsWhere stories live. Discover now