[5] Destiny's plan

668 17 0
                                    

Nang pumasok ang lalake ay laking gulat ni Bey na si Daniel pala iyon. Napatayo siya sa upuan niya sa sobrang pagkagulat. Hindi niya inaasahan na siya pala ang anak ng kasosyo ng kanyang ina na kwinekwento sa kanya.

 “Ikaw!” Sabay sigaw nila ni Daniel.

 “Magkakilala kayo?” Tanong ni Alejandro na siyang ama ni Daniel.

 “Hindi po,” nakangiting sagot naman ni Bey.

 “Magkakilala kayo eh," naniningkit na saad ni Carmina na siyang ina ni Bey. "Saan ba kayo nagkakilala?” Tanong pa nito.

 “Schoolmates po kami actually,” magalang na sagot ni Daniel dahilan upang umirap si Bey.

 “Anak, tumabi ka muna nga diyan," ani Carmina sa kanyang anak. "Ano bang pangalan mo, hijo?” Tanong naman niya nang ibaling niya ang atensyon kay Daniel.

 “Daniel  po."

Naglakad si Bey papunta sa tabi ni Daniel dahil sa utos ng ina.

“O bagay pala ang mga anak natin,” nakangiting sabi ni Carmina na agad namang sinegundahan ni Eloisa na siyang ina naman ni Daniel.

 “Ma naman!” Sabay na sabi nila Daniel at Bey dahilan upang tumawa na lang ang kanilang magulang.

“Wala ka ba talagang ibang gagawin kundi gayahin ang mga sasabihin ko?” Mataray na saad ni Bey sa maliit na boses kay Daniel upang hindi sila marinig ng magulang nila.

“Ako pa 'to ngayong nanggagaya. Eh ako itong unang nagsalita,” inis naman sagot ni Daniel.

“Ewan ko sa 'yo,” sabi ni Bey sa kanya pagkatapos ay itinuon ang tingin niya sa kanilang magulang na nag-uusap.

"Salamat naman at tapos na yung business meeting nila mama at nila tito at tita at makakauwi na sila lalong lalo na yung Daniel na yun." Sabi ni Bey sa isip niya.

“Sige, alis na kami . Salamat sa  breakfast, Carmina,” nakangiting paalam ni Eloisa.

“Bye,” ani Carmina.

“Sige, Bey. See you na lang sa school,” sabi ni Daniel sabay wink ng mata kaya inirapan na lang siya ni Bey.

"Nakakainis gusto ko nang sapakin 'tong mokong na 'to," sabi ulit ni Bey sa kanyang isip.

Kinabukasan sa bahay nila Bey. Nagising siya at sa pagbaba niya sa sala ay nakita niya nakamaleta na ang gamit ng mama niya na dahilan nang pagtataka niya.

“Ma, saan ka pupunta?”

“Anong saan ako pupunta? Saan tayo pupunta? 'Yun dapat ang tanong mo kaya magimpake ka na. Bilisan mo," saad ni Carmina at wala nang nagawa ang anak.

“Bakit kailangan nating umalis dito sa bahay. Ibebenta mo na ba 'to?”

“Hindi. Ano ka ba!”

“Eh bakit nga?”

“Kasi uuwi ang tita Belle mo dito sa Pilipinas kasama 'yung bagong husband niya kaya dito sila titira pansamantala.”

“Bakit di na lang tayo pwedeng tumira sa iisang bahay?”

“Kasi nga hindi sila pwedeng maisturbo. Gagawa pa sila ng baby 'no,” agad namula ang mukha na Bey sa tinuran ng ina.

“Saan tayo titira?”

“Ako ng bahala diyan. Bakit ba ang dami mong tanong? Magimpake ka na nga.”

"Sa wakas dumating din kami ni mama sa tutuluyan namin. Ang ganda pala talaga nung bahay. Sana mabait 'yung makakasama naming dito sa bahay." saad sa isip ni Bey.

Campus SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon