Last Chapter

678 26 12
                                    

Kinabukasan sa campus ay kinausap ni Daniel si Denisse at Angelo.

“Guys, pwede ba kong makahingi ng favor?"

“Ano 'yun?” Tanong ni Angelo tapos ibinulong ni Daniel sa kanila 'yung favor niya.

“Sure. No problem,” sabi ni Denisse.

Dismissal time na at nang magkita si Bey at Daniel ay agad niyaya ni Bey ang lalake.

“Halika na. Uwi na tayo,” yaya ni Bey.

“Hindi pwede eh.”

“Ba’t naman hindi?”

“May practice kasi kami sa basketball.”

“Ganun ba. Eh di maghihintay ako.”

Habang sa bahay nila Daniel, nagprepare sila Denisse

“Kailangan nating sarapan ito,” wika ni Denisse habang nagluluto.

“Denisse.”

“Bakit?”

“Kahit hindi mo ilagay ang best mo diyan ay siguradong masarap 'yan.”

“Nanbola pa."

“Totoo talaga. Tumingin ka sa akin ng diretso upang malaman mo na nagsasabi ako ng totoo,” sabi ni Angelo at tumingin naman ng diretso si Denisse sa mga mata ni Angelo.

“Ano? Nagsasabi ako ng totoo, di ba?”

“Oo na,” sabi ni Denisse tapos kukunin na sana niya 'yung asin ng sabay nila itong kinuha ni Angelo kaya nagkahawakan sila ng kamay. Parang nung unang pagkikita nila.

“Ah Angelo, 'yung kamay ko,” mahinahong sabi ni Denisse tapos binitawan  naman ni Angelo 'yung kamay ni Denisse.

“Pati 'yung asin.”

“Ay oo,” sabi ni Angelo na parang wala sa sarili tapos binigay niya na 'yung asin.

Habang isang oras at kalahati na ang nakakalipas na naghihintay pa rin si Bey doon sa court.

“Ani? Matagal pa ba?” Naiinio ng wika ni Bey.

“Di ko nga alam eh. Gusto mo libre na lang kita ng ice cream?”

“Sige. Gusto ko magnum.”

“Ikaw na lang 'tong ililibre namimili ka pa. Dirty ice cream na lang.”

“Ang yaman-yaman mo tapos dirty ice cream ang ipapakain mo sa akin,” wika ni Bey at inirapan ng muli si Daniel.

“Gusto mo ba o hindi? Madali naman akong kausap."

“Pwede ng pagtyagaan habang naghihintay doon sa mga kateammates mo,” sabi ni Bey tapos tumayo na si Daniel para bumili ng ice cream at nakabili na sita ay agad niyang binalikan si Bey at ibinigay ang nabili.

“Ito na ang pinakamamahal mong dirty ice cream."

“Ewan ko sa'yo,” sabi ni Bey tapos umalis na si Daniel para bumalik sa court.

“Ryan, anong oras 'yung practice natin ngayon?” Tanong ni Daniel sa nakitang ka-teammates.

“Anong practice? Wala tayong practice ngayon.”

“Ano! Wala kayong practice ngayon!” sabi ni Bey nang makalapit kanila Daniel.

“Sandali lang pare," saad ni Daniel kay Ryan pagkatapos ay ibinaling ang atensyon kay Bey. "Bey chill ka lang ok."

Tiningnan muli ni Daniel si Ryan. "Sabi sa kin ni Geoff meron daw.”

“Daniel wala talaga.”

Campus SweetheartsWhere stories live. Discover now