[1] Boy meets Girl

1.7K 29 3
                                    

 Nagbabakasyon sila Bey kasama ngayon ang mama at bestfriend niyang si Denisse sa Cavite. Last day nila sa nasabing lugar kaya pinasyal niya muna si Denisse. Nang pabalik na sila sa restthouse ay may nag-aayos sa kalyeng mas madaling daanan nila kaya napagpasyahan nilang sa kabilang kalye na lamang kahit pa mas mapapatagal sila roon.

"Hoy, bakit ka natigil?" Tanong ni Denisse sa kaibigan niyang parang natuod dahil hindi man lang ito gumalaw. Tiningnan niya kung saan ito nakatingin at nakita niya sa isang magandang bahay.

"Wala. Halika na, umuwi na tayo," yaya ni Bey sa kaibigan nang makabalik na siya sa reyalidad na agad naman sinang-ayunan ni Denisse.

"Grabe ang ganda talaga ng bahay. Sayang nga hindi amin 'yun eh." Saad ni Denisse nang magpatuloy na sila sa paglalakad.

Nang naglalakad na sina Bey papalayo sa bahay may biglang lalaking lumabas sa pinto ng bahay at napatingin iyon sa magkaibigang naglalakad. The man felt something he can't explain habang patuloy nakatingin sa palayong pigura ng dalawang babae.

Kinabukasan, sa paaralan ay kaagad pinuntahan ni Daniel ang kaibigang si Kevin nang makita niya ito.

"What's up bro? kumusta ang bakasyon?" Tanong ni Kevin pagkatapos nilang gawin ang friendship shake nila.

"OK naman, ikaw kumusta ang baksyon?" Balik na tanong ni Daniel kay Kevin.

"Ok lang din. Pero tanong ko lang bakit ba lagi kang nasa resthouse niyo nagbabakasyon?"

Umiling lamang si Daniel. "Huwag mo ng alamin."

Nang pagpunta ni Daniel sa canteen nakita niya si Grace at Phoebe na may pinagdidiskitahang babae.

Lumapit siya rito at sinabing, "ano bang ginagawa niyo?" Tanong ni Daniel sa dalawang babae na siyang nakahalukipkip na pala.

"Daniel, wala kaming ginagawa. Siya 'yung nauna," defensive na sagot ni Grace.

"Tsaka isa pa, huwag mong sabihin na kakampihan mo 'yang jologs na 'yan kaysa sa amin," dagdag pa ni Phoebe.

"Oo! Siya, ang kakampihan ko. May problema ba?" Madiing tanong ni Daniel sa dalawang maarteng babae.

Tumalikod siya at hinawakan 'yung kamay ng babae na siyang nagngangalang Bey sabay sabi ng, "lahat kayo makinig. Kung sino man ang pagdidiskitahan ang babaeng 'to, ako ang makakalaban. Naintindihan niyo?" Madiing saad ni Daniel sa mga tao sa paligid nila.

After when some minutes had passed, naiwang nakatulala si Bey at iniisip 'yung mga oras na iniligtas siya ni Daniel. Baguhan lang silang magkaibigan sa St. Therese Academy kaya wala pa silang kakilala sa bagong paaralan.

"Bey, ok ka lang ba?" Tanong ni Denisse na siyang katabi pala ni Bey.

"Oo. Bakit?" Nagtatakang tanong ni Bey.

"kaynina pa ko dito nagsasalita pero hindi ka naman nakikinig."

"Nakikinig ako." Bey paused. "Ano bang sinasabi mo?"

"Sikat pala talaga 'yung Daniel. Paano gwapo kaya siya 'yung tinaguriang heartbreaker at bad boy ng campus," seryosong wika ni Denisse.

"Parang hindi naman siya badboy," mahinang sabi ni Bey pero narinig pa rin pala iyon ng kanyang kaibigan.

"Bakit? Kilala mo siya?"

Ngumiti si Bey at nagpaalam na sa kaibigan, not answering the questions.

Pumunta siya sa roofdeck at nakita niya si Daniel natutulog. Kinuha niya ang librong dala-dala at binuksan ito upang makapagsimula na siyang mag-aral. She is too focused on studying when she suddenly heard a voice.

Campus SweetheartsWhere stories live. Discover now