[7] Husband and Wife

632 20 4
                                    

May biglang sumapak dun sa lalaki, pagtingin ni Bey ay si Daniel pala.

“Bakit ka ba nakikialam ha? Nag-aaway lang kami ng syota ko!” Galit na saad ng panget na lalake.

“Anong syota mo? Eh girlfriend ko 'to,” ani Daniel habang tinuturo pa si Bey.

“Girlfriend pala ah,” sabi nung lalake sabay sapak kay Daniel dahilan upang matumba si Daniel.

“Daniel!” sabi ni Bey sabay punta at hawak kay Daniel.

“Sa susunod kasi huwag mong hahayaan na maglakad mag-isa ang girlfriend mo lalo na kung gabi,” sabi ng lalaki pagkatapos ay umalis.

Nasa bahay na sila at ginagamot ni Bey ang mga pasang natamo ni Daniel.

“Aray!”

“Huwag ka kasing magulo. Oh ayan, tapos na,” sabi ni Bey tapos tumayo siya at aalis na sana.

“Sabi ko naman sa iyo di ba na ihahatid na kita. Tingnan mo tuloy kung anong nangyari, pati ko nadamay,” galit na sabi ni Daniel kaya biglang humarap sa kanya si Bey.

“Di ba nagthank you at nagsorry na ko sa iyo. Kulang pa ba 'yun?" Nakataas ang kilay na saad ni Bey.

"Sorry ah at nadamay ka pa. Pwede ka naman hindi tumulong na lang, pero mas pinili mo pa ring tumulong tapos ano susumbatan mo ko!”

“Yan kasing problema sa 'yo eh! Akala mo kaya mo lahat pero ang totoo hindi naman, simpleng tsismis lang sa school ang kapalit buhay mo. Akala ko ba matalino ka, ba’t di mo naisip 'yun?”

“Kung tsismis lang lang naman hindi ko pagpapalit ang buhay ko dun! Hindi ko naman alam na mangyayari 'yun ah. Sa tingin mo ba ginusto ko 'yun? Para sabihin ko sa'yo hindi 'yun ang dahilan kung bakit hindi ako sumama sa'yo!”

“Kung hindi 'yun eh di ano? Natatakot ka na baka mawala  sa'yo si Angelo! 'Yun ba?”

“Hindi! Gusto ko lang naman ipakita sa'yo na hindi ko kailangan ang pera at services mo dahil alam mo pinalaki ako ni mama na dapat alam ko ang lahat, 'yun ang kailangan para mabuhay ka. Kaya ka siguro iniwan nilan tito dito sa Pilipinas para magtanda ka, para matuto ka!”

Nagwalkout si Bey dahil galit na galit kaya siya kay Daniel. Wala siyang ibang tinawagan kundi si Denisse.

“Hello, Denisse ”

“O Bey bakit?”

“Nakakainis kasi!”

“Ano bang nangyari?”

“Kung makapagsalita kasi si Daniel ay parang siya na ang superior. Hindi dahil niligtas niya ko kanina dun sa rapist ay pwede na siyang magsalita sa akin nang ganun.”

“Ibig mong sabihin muntik ka ng marape? Dapat pala talaga sumama ka na lang kay Daniel!”

“Dun sa lalaking 'yun? Huwag na lang.”

“Eh Bey may point naman talaga si Daniel.”

 “So kanya ka panig?”

“Hindi naman sa ganun pero nagalala lang naman 'yung tao kaya niya nasabi 'yun.”

“Kahit na! Wala siyang karapatan para pagsalitaan niya ako ng ganoon!”

“Alam ko naman 'yun pero tingnan mo, unang-una, kahit ang tagal-tagal mo hinihintay ka pa rin niya para lang ihatid at sunduin tapos siya pa 'yung nagligtas sa'yo kanina. Di mo ba naisip kung wala dun si Daniel baka kung ano na ang nangyari sa iyo dun?”

Dahil sa sinabi ni Denisse ay unti-unting naliwanagan si Bey sa pagkakamali niya pero hindi ibigsabihin noon ay nawala na lang bigla ang galit niya sa lalake.

Campus SweetheartsWhere stories live. Discover now