[3] Truth Hurts

724 20 2
                                    

Madaling araw pa lang gumising na si Bey upang ipag-bake ng masarap na cake si Daniel. Ngayon kasi ang araw na gusto niya siyang ipakilala sa mama niya. Isu-surprise niya si Daniel dahil alam niyang gusto niya na rin makilala ang mama niya.

“O, anak ang aga-aga pa gising ka na.”

“Ibinibake ko po ng cake 'yung nanliligaw sa akin,” nakangiti nitong saad.

 “Bakit birthday niya ba ngayon?”

“Hindi po," sagot niya sa ina.

“Bakit mo siya pinagbi-bake ng cake?”

“Ngayon po kasi 'yung araw na gusto ko siyang makilala niyo, kaya po magluto kayo ng masarap na pagkain kasi dito po siya magdidinner.”

Pagkatapos niyang magbake ay dali-dali siyang naligo at kumain para makapunta na siya sa paaralan. Excited na excited na siya na maibigay ang cake kay Daniel at maimbitahan siya na doon na sa bahay nila upang magdinner. Hanap siya ng hanap sa sa lalake at sa wakas ay nakita niya rin si Daniel. Bago niya pa mapuntahan ay narinig niyang nag-uusap sila ni Kevin.

“Bro, ano bang nangyari at nag-iba ang type mo sa babae?”

“Ibig mong sabihin ay si Bey?”

“Oo.”

“Alam mo na hindi ko type si Bey,” saad ni Daniel at bumalatay ang pagtataka sa mukha ng kausap.

 “Bakit siya 'yung nililigawan mo?”

 “Kilala mo ba si Trixie?”

“Oo. 'Yung magandang transferee.”

“Tama, ex girlfriend ko siya. Ayaw kong isipin niya na hindi pa ko nakaka move on sa kanya.”

“Kaya sinabi mo na nililigawan mo si Bey. Bakit si Bey pa? nandiyan naman si Phoebe? O si Grace?”

“Si Bey 'yung tipong hindi ko magugustahan kaya siya 'yung sinabi ko.”

 Narinig niya bawat linyang binitawan ni Daniel dahilan upang mahulog niya ang cake na dala at tumakbo siya papalayo habang umiiyak.

"Grabe ang sakit palang malaman na ginamit niya lang ako." Sabi ng isip niya.

Nakita siya ni Denisse at tinanaong siya tungkol sa nangyari. Nang matapos na siyang magkwento ay niyakap siya nito ng mahigpit at halatang pati ang kaibigan ay nasaktan sa ginawa ni Daniel kay Bey.

Nung nahulog  'yung cake ay inakala ni Daniel at Kevin na may taong nakikinig sa kanila. Tama sila dahil nandun si Trixie at narinig niya ang pag uusap nila Daniel. Bigla siyang nagpakita dahilan upang mapatayo si Daniel sa kanyang pagkakaupo.

“Trixie," tawag ni Daniel sa dumating habang si Trixie naman ay ngumiti lamang.

“Bro, alis muna ko,” paalam ni Kevin at tuluyan na siyang umalis.

Sa pag-alis ni Kevin ay biglang niyakap ni Trixie si Daniel.

“Sabi ko  na nga ba at hindi mo siya mahal,” at pagkasabi nun ni Trixie ay biglang inalis ni Daniel ang pagkakayakap sa kanya ng babae..

“Eh ano naman ngayon?” Nakataas ang kiray na tanong ni Daniel.

“Hanggang ngayon ay ako pa rin ang mahal mo," nakangiting wika ni Trixe.

“Alam mo Trixie, sa maikling panahon na nagkasama kami ni Bey ay may natutunan ako, 'yun ay kapag magmahal ka dapat yung buong-buo at 'yun 'yung hindi ko kayang ibigay sayo kasi hanggang ngayon masakit pa rin."

“Why can’t you forgive me? Inaamin ko nagkamali ako pero tao lang naman ako. Hindi ako perpekto ang mahalaga nagsisisi na ako ngayon.”

“Napatawad na kita pero alam mo kung ano 'yung mas masakit? 'Yun ay ang paulit-ulit na pagpasok sa utak ko ng ginawa mo, 'yung pauli-ulit mo kong sinasaktan kahit na nagsisi ka na.”

Campus SweetheartsWhere stories live. Discover now