[4] New Bey

751 20 1
                                    

Dumating ang oras na pinakahinihintay ng ng seniors ng St. Therese Academy dahil black and white ball na.

"Bakit kaya malungkot ang ball na 'to para sa akin, dahil kaya wala si Bey?"  Tanong ni Daniel sa kanyang isip.

 Natigil ang lahat ng may isang babaeng pumasok sa venue at maging si Daniel ay napatingin at hindi makapaniwala ang lahat sa sobrang gandang tinatago ni Bey sa likod ng kanyang makapal na salamin at buhaghag na buhok. Hindi siya nagtataka kung lahat ng tao dito tumigil sa mga ginagawa nila at napatingin sila kay Bey, ang iba nag'attempt pang-i-escort si Bey.

"Grabe ang ganda niya talaga," sabi ulit niya sa isipan.

Ang ganda ng gown niya, bumagay sa kanya ang straight na buhok, at mas nagpaganda pa sa kanya ang simpleng make up na suot-suot niya.

Akala pa nga ni Daniel ay pupunta si Bey sa kinaroroonan niya nang bigla lang siya nitong dinaanan na parang hangin at pumunta siya kay Denisse.

“Hi, Denisse,” nakangiting saad ni Bey sa kaibigan.

“Miss baka nagkakamali ka, hindi kita kilala," naniningkit na saad ni Denisse.

“Denisse naman. Ako ito, si Bey,” sabi ni Bey tapos tumingin pa sa kanya ng diretso si Denisse. Kinindatan naman ni Bey ang kanyang mga mata.

“Bey ikaw nga. Anong nangyari at ang ganda mo?” Ani Denisse na siyang agad nilapitan si Bey.

“Anong ibig mong sabihin? Noon, hindi ako maganda," pabirong wika sa kanya ng kaibigan..

“Syempre hindi. Pano kasi tingnan mo ang sarili mo. Ni hindi ko nga maisip na pupunta ka dito sa isang linggo ba naman na hindi ka nagparamdam," wika ni Denisse at bakas ng pagtatampo ang boses niya.

“Sorry na,” sabi ni Bey tapos hinawakan ni Denisse ang kanyang baba at nagpanggap na iyon ay kanyang pinag-iisipan.

“Apology accepted.”

Habang sa mesa naman nina Daniel, titig na titig si Daniel at Angelo kay Bey. Kulang na lang matunaw si Bey.

“Daniel sa tingin mo kapag niyaya ko si Bey na sumayaw papayag kaya siya?” tanong ni Angelo ni sa kaibigan.

“Di ko alam.”

“Pero, ok lang sa yo?”

“Bakit naman hindi?” Tanong ni Daniel at sa pagkakataong iyon ay kay Angelo na siya nakatingin.

“Di ba niligawan mo siya?”

“Di ba kunwari lang 'yun?”

“Sige pupuntahan ko na siya”

Pupuntahan na ni Angelo si Bey para yayain sumayaw habang sina Phoebe at Grace ay inakala nila na isa sa kanila ang yayain ni Angelo, di maipinta ang mukhha ng dalawa ng pumunta si Angelo kay Bey.

“Can I have this dance?”

“O, dance daw Denisse,” ani Bey at siniko ang kaibigan.

“Ah ikaw sana Bey. Kung pwede lang sana?” Nahihiyang saad ni Angelo.

Itinulak ni Denisse si Bey kay Angelo. Nagsimula nang sumayaw sina Angelo at Bey. Ang sama ng tingin nina Phoebe at Grace kay Bey habang halatang deep inside nasasaktan si Daniel.

*Habang sumasayaw

“Salamat ah”

“Salamat saan?”

“Sa dami ng nagyaya sa'yo na isayaw ka, ako 'yung pinagbigyan mo.”

“Ano ka ba wala 'yun 'no?”

Campus SweetheartsWhere stories live. Discover now