[2] The Big Return

980 19 1
                                    

Kasalukuyang magkasama ang magkibigang Bey at Denisse sa cafeteria habang nagii-snack silang dalawa.

"Grabe ang ganda niya talaga, Denisse. Para siyang isang manikang buhay," sabi ni Bey kay Denisse na tinutukoy ang nakabangga niyang babae.

 "Talaga? Na-cu-curious tuloy ako kung sino 'yung babaeng 'yun" sabi ni Denisse at bigla namang tumayo si Bey.

Tiningnan lang siya ni Denisse nang may pagtataka. "Saan ka na naman pupunta?"

 "Sa taas lang," maikling wika ni Bey pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad upang magtungo sa roofdeck.

 Pagpunta niiya sa roofdeck inilibot niya ang kanyang mga mata sa pag-aakalang naroon si Daniel. 

"Sayang wala si Daniel,"  sabi niya sa isipian.

Binuksan na lang niya 'yung libro niya upang mag-aral na lang muli nang biglang may narinig na  naman siyang boses. Tiningnan niya kung nasaan nanggaling ang boses at nakita niya si Daniel na nakasandal sa railings at nakahalukipkip.

 "Wala ka man lang bang balak baguhin ang sarili mo?" Tanong ni Daniel dahilan upang maguluhan si Bey nang tuluyan

"Ang ibig kong sabihin ang paraan nang pagdala mo sa sarili mo. Kaya ka siguro pinagtritripan dahil ka man lang marunong mag-ayos."

"Wala namang problema sa sarili ko, ah." Wika ni Bey dahilan upang mapailing na lamang si Daniel.

Sa tingin ng binate ay may tinatagong angking ganda rin naman si Bey ngunit lagi itong natatakpan ng kanyang makapal na salamin at mababang self confidence.

Dismissal time nun nang dumating si Angelo. Katulad ng kaibigan niyang si Daniel ay kinababaliwan rin ng mga kababaihan si Angelo. Nandon rin sila Bey ngunit hindi nila ito nakita  kasi bigla na silang umalis.

 "Bro, kumusta?" Tanong ni Daniel.

 "Ok lang," tipid na sagot naman ni Angelo habang nakangiti.

 "Tambay tayo mamaya."

"Huwag na," ani Angelo at umiling pa.

 "Maraming magagandang babae dun bro. Gusto mo ipakilala kita sa mga chicks ko?" Saad naman ni Daniel at binigyan nang nakakalokong ngiti ang kaibigan. Napailing naman lang si Angelo.

 "Huwag na. Di ko alam naka-move on ka na pala kay Trixie."

 "Bro, huwag na natin s'yang pag-usapan. Kinalimutan ko na siya."

Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Daniel dahil sa sinabi ng kaibigan.

 "Kinalimutan mo na ba talaga? Pano kung bigla siyang bumalik? Anong mararamdaman mo?" Tanong muli ni Angelo pero nagkibit-balikat na lamang si Daniel dahil para sa kanya ay isang mapait na ala-ala na lamang ang dating nobya.

 Habang naglalakad sina Denisse pauwi ay nakita nila si Daniel na may kasamang mga kaibigan niya at may kasama rin silang mga babae.

 "Kawawa talaga 'yung mga babae. Pinagsasabay sabay sila ni Daniel," sabi ni Denisse habang umiiling pa.

 "Baka hindi niya naman mga girlfriend 'yun," pagtatanggol ni Bey kay Daniel sa kaibigan.

 "Girlfriends niya man 'yun o hindi kawawa pa rin sila. Kaya ako hinding-hindi ako magkakagusto sa isang lalaking katulad niya," madiing saad ni Denisse.

Kinabukasan sa paaralan. Nasa may quadrangle ay pinuntahan nina Phoebe at Grace si Denisse.

 "Ano bang mayroon kay Bey?" Nakataas ang kilay na tanong ni Grace.

Campus SweetheartsWhere stories live. Discover now