CHAPTER 14

1.6K 51 11
                                    

DAY 68

"MAY BALITA NA BA ULI?" Bobbie is getting so frustrated by the day. Hindi na kasi nadagdagan yung balita kay Adrian and it's taking so long. "Get me something new at bibigyan uli kita ng bonus. Work on it faster."

All her life sanay siya na kaya niyang makuha agad ang lahat. In just a snap of her fingers everything falls perfectly in place. Pero ngayon na matanda na siya, tska pa nag-iba ang ihip ng hangin.

"Mailap siya sa tao. Baka kasi mapansin niya kung isa lang ang sumusunod sa kanya kaya iba-iba ang pinapadala ko na. Hindi pa nila uli nakikita yung babae na kasama niya nung huli." The man on the other line said.

"He will be, nagtatago nga siya eh." She said, irritated. "I am not paying you to slack off and give me lame excuses. Hindi ko kayo pinagtatrabaho ng libre to give me this kind of a job."

"Babalitaan uli kita ma'am basta may bago kaming makuha." The voice on the other line was assuring but she just can't take it as a fact just yet.

"I want new information by the end of the week, okay?" Then she cut the line. It's better that way kaysa naman patuloy niyang masigawan ang kausap.

The search for Adrian is getting frustrating by the day. Hindi niya alam kung kailan ito makikita o kung makikita pa ba ito? Did he intend to just disappear like that from her life? Ganun lang ba ang halaga niya dito? Tatlong taon din naman yun ng buhay nilang dalawa at kahit naman na hindi sila palaging nagkakasundo ay nagkaroon din naman siguro ng punto sa buhay nila na they genuinely cared for each other.

To take her mind off the topic and back to her reality ay lumabas muna siya ng bahay. It's getting stuffy inside kasi nakakulong lang siya sa kwarto kada pagkatapos ng punta niya sa opisina. Wala pa naman kasi siya talaga masyadong ginagawa kaya saglit lang siya dun tapos uuwi na siya.

She's also avoiding Andrew since that night. Hindi alam kung paano pakikiharapan ang lalaki when deep inside something about how she sees him is bothering her.

Tama ba naman kasing kapag nakikita niya ang mukha nito eh hindi na niya nakikita si Adrian? Like his face, although similar, is very, very different?

As she stared at the fresh green leaves of the mango tree that was giving her shade ay may tumawag sa pangalan ni Andrew. She immediately sat up and looked for the voice calling Andrew out.

It was a middle aged woman peeking her head from the gate, hirap ito kasi medyo maliit lang ang ginang at medyo mataas ang gate at walang space para sumilip.

"Andrew! Hijo," malakas pero mahinhin na pagtawag nito sa lalaki. Napalingon ito sa pwesto niya at bahagyang ngumiti. "Ay hija, naa ba si Andrew?"

"Ano po yun?" Hindi naman kasi siya marunong na mag-Bisaya. Nilapitan niya ito pero hindi pinagbuksan. Malay ba niya kung sino to, mahirap na. Sa linya kasi ng trabaho niya, distrust is always sown between people.

"Naa ba si Andrew?" Inulit nanaman nito.

"Hindi po kasi ako marunong mag-Bisaya." She tried to look apologetic. "Tatawagin ko na lang po si Andrew. Saglit lang–"

"Auntie Cely, kamusta po?" And there he was a few inches away from her as she turned around, all bright and smiling like he always is.

San Vicente 2: Fallacious ✅Where stories live. Discover now