CHAPTER 12

1.6K 57 11
                                    

DAY 63

"YOU TOLD ME TO RUSH." Napatayo si Bobbie nang pumasok sa opisina niya ang isa sa apat na kinuha niyang private investigators para hanapin si Adrian. "Bakit ngayon ka lang?"

Mula sa airport ay halos paliparain na niya ang sinasakyan para lang makarating agad sa opisina. May breakthrough daw sa paghahanap sa fiancée niyang hilaw. She has been waiting for this for the past two months. Nanggagalaiti siya sa lahat ng panahon na naaalala niya ang mga ginawa sa kanya ni Adrian. He treated her like trash and she can't accept that anymore.

"Sorry ma'am, nakakuha kasi ako uli ng tawag galing dun sa informant ko." Kilala ang lalaking ito sa paghahanap ng mga nawawalang mga tao. A business acquaintance introduced her to this man in the past. Hindi naman niya akalain na magagamit niya din ang serbisyo nito.

"So, is it Andrew?" Tanong niya dito.

She was looking for Adrian under the guise of looking for Andrew. They look the same kaya naman hindi siya magtataka kung pangalan nga ni Andrew ang ginamit nito. Ayaw niyang si Adrian mismo ang ipahanap kasi baka malaman ng iba ang ginagawa niya. It'll be troublesome if anyone finds out about what Adrian did to her. Ang kwento na lang niya ay umalis si Andrew at nawawala na ito ngayon, may utang kasi ito sa kanya so the private investigators that she hired thinks that Andrew is hiding as himself or as Adrian.

"Confirmed na ma'am, si Mr. Dela Merced nga po ang Nakita ng contact ko sa Germany." Nagtaka naman siya, bakit sa Germany ito nagpunta. "Pero hindi pa po namin alam kung ano ang ginagawa niya dun. Itutuloy ba naming ang pag-aalam?"

"Oo naman, kaya ko nga kayo binabayaran ng malaki. Hanapin ninyo lahat ng ginagawa niya dun. You better find out every single thing." Naupo uli siya sa swivel chair niya. Halos wala siyang kahit na anong energy na sa katawan. She's so close to finding out kung ano ang ginawa ng lalaking yun. Hindi pupwedeng iwanan lang siya basta-basta nito. She will have the last laugh.

"Ipapadala ko sa inyo ang mga litrato niya mamaya kapag napadala na ng contact ko. Mabuti na lang at binanggit ninyo na baka passport ni Sir Adrian ang gamitin niya. Noong una kasi ay passport niya mismo ang ginamit niya tapos sa sumunod na flight ay yung kay Sir Adrian na." Nakikinig lang siya. That prick is daring, hindi man lang ito nagtago man lang.

"I'll wire more money as bonus and pull out the other teams doing the investigation. Give me definitive results within the week and I'll give you a bonus again. Hindi mahirap sa akin ang pera basta hanapin niyo lang ang lalaking yun." Gusto niyang ibato ang hawak na cellphone. She was that angry with Adrian and herself too.

Bakit nga ba hindi niya pa tantanan ang lalaking yun? She can just clean up the mess all on her own and ruin the Dela Merceds altogether pero ayaw niya din at the same time. This may just be her grudge being unsettled or something like that.

"Sige ma'am, I'll go ahead." Ilang minuto lang ang usapan nila pero she had to rush to Manila to meet him kasi baka may dala itong ibang mga bagay para sa kanya.

"I need the photos later and keep this on the down low. Ayaw kong makakalabas itong balitang to kahit na kanino, kahit na saan." She probably looked like daggers can shoot out of her eyes right now.

"Sayang naman kasi tong pinapahanap ninyo ma'am, ang linis ng background at doctor pa pero ang laki ng ninakaw sa inyong pera." She'd have to say sorry in the future to Andrew for tainting his name but she has to do this so that things can be done quickly and under wraps.

"Yeah," tumango lang siya bago tumalikod na mula sa pintuan. Kakalma siguro siya habang nakatingin sa view sa labas ng building niya.

It took her at least an hour to settle down and relieve her anger. Pinatawag na lang niya ang secretary niya para makuha lahat ng nakapending na trabaho habang nasa Cagayan de Oro siya. She also took some one-on-one meetings so that she can take her mind off things. Kapag kasi pagod siya o stressed ay sa trabaho lang niya uli mas binubuhos ang oras.

San Vicente 2: Fallacious ✅Where stories live. Discover now