CHAPTER 1

3.4K 74 9
                                    

KANINA PANG UMAGA busy si Bobbie sa opisina dahil sa pakikinig sa mga walang kwentang sinasabi ng mga tao. How can she even go to her will be honeymoon kung mga tonta at kalahati ang mga maiiwan niya na mamamalakad? My gosh, a few days of her being away and for sure this empire will crumble down to the ground. Hah, the term empire doesn't even fit anymore. This company should just be called 'on fire' instead. Kaya bumagsak dahil sa ganitong pamamalakad.

This is the newest company that SV Investments acquired. It's a manufacturing company for one of the oldest soap brands, lotions, and the likes. She opted to but this one kasi malaki ang potential na mapalagi uli just like when it was in its glory days. Binenta ito ng mga shareholders in an attempt to salvage themselves.

Bobbie is currently in a meeting with the remaining board members and department heads. Kailangan niya ng clear assessment kung kailangan pa ba niya ang mga taong ito. She doesn't keep people she will never need. Pero mukhang walang ni-isa ang matitira sa mga ito sa pinagsasasabi nila ngayon. They're just making her head pound.

Hindi efficient, hindi effective, hindi ba alam ng mga ito ang basics ng business? Who the heck put them in their positions? Kung hindi lang siguro siya kahit na papaano mabait ay baka nabato na niya ang mga ito ng bag niya o kahit mga sapatos niya sa inis. They are nearly 20 years older than her and she expected more pero nothing. Their experiences are just classic lies, none of them knows what's happening. All she can hear now is complete and utter stupidity.

Oo, hindi talaga maganda ang tabas ng dila niya. She is after all Robina San Vicente. Hindi naman siya kilala bilang santo. She is kind of ruthless and she spills blood, figuratively, in every single acquisition. Paano sa tingin nila niya makukuha ang rurok ng tagumpay kung puro puso ang pinapairal nila? Not even close. The brain does all the hard work.

"Personnel." Hindi na siya nag-bother na alalahanin pa ang pangalan ng ginang na ito. She won't be staying anyways.

"Soledad po...ma'am." Naiilang na sabi nito. Of course, nakakailang talaga na tawaging ma'am ang isang tao na pwede nang pumasa anak nito.

"Yeah, okay. Whatever." She sighed and sat up straight. Ayaw na niyang makinig sa mga sinasabi nito. Out-dated, hindi na tama. "I will be honest here ah. To all of you, no one really made sense. Sigurado ho ba kayo lahat na trabaho niyo yan? I mean, did you all catch up with the latest trends and developments in this industry?"

Katahimikan. Hay, sanay na siya. Lagi naming tahimik ang lahat sa mga ganitong meetings. Her family was never known for their kindness when taking over companies and salvaging them. They trim down to the core and make failures become successes again. At yun din ang mangyayari ngayon.

"I am asking. Alam niyo ba talaga ang mga trabaho ninyo?" she looked at them blankly. Their silence and cluelessness are so irritating. "Because I think, you're all stuck doon sa time na sikat na sikat ang brand na ito pero right now you are all up in the air."

Mahigit anim na taon na mula noong kuhain niya ang pamamahala ng San Vicente Investments Co. mula sa kanyang pinakamamahal na ama. Ang primary business nila ay ang pagbili ng mga naluluging kompanya, buhayin iyon at palaguin muli. Corporate rehabilitation through investments.  If they see no need for that company ay ibinibenta nila ito, usually earning quadruple the buying price. Kapag naman lumago at alam nilang mapapakinabangan ay panghahawakan nila ang mga ito and it will form part of the SV Holdings Inc. na siyang mother company ng SV Investments.

The San Vicente Holdings Inc. is handled by her dear older cousin Kairos San Vicente, ang unang apo ni Geraldo San Vicente, tapos ang ibang mga umbrella companies naman ay hawak ng iba pa niyang mga uncles, aunts, or cousins, it was a family business after all.

San Vicente 2: Fallacious ✅Where stories live. Discover now