CHAPTER 31

1.8K 43 9
                                    

"I'LL BE HOME in a while. Don't worry, I'm coming back in one piece." Natatawa niyang sabi kay Andrew nang tumawag ito.

Instead kasi na dumiretso sa pag-uwi ay napadaan siya sa isang cakeshop. She wanted something sweet to celebrate their seven months together. In truth, they've been together for at least two years now pero gusto pa din niyang binibilang yung unang araw nila mula noong makalabas si Andrew sa ospital. The time before that meant something too pero hindi pa sila talagang magkakilala noon.

Life's been good to them from that day forward. She's lived a relatively quiet life pero syempre may mga panahon na magulo pa din lalo na at sa linya ng trabaho niya. Napatawad na din niya ng tuluyan si Gertrude at Bennett. Nalaman na niya ang kwento at tinanggap na niyang lahat naman sila ay nasaktan ng panahon na yun. They all decided that those things needed to happen to bring them to where they are now.

Andrew has been working in one of the best hospital in Metro Manila. He's happy and still does his volunteer work from time to time. Napakilala na din siya nito sa iba pa nitong mga kaibigan lalo na at wala na yung factor na malalaman niyang ito ang 'Adrian' sa kanilang magkapatid. Andrew also told her about his father's money that was left with him. Hindi biro ang halagang yun. Para kasing alam din nito na may gagawin at gagawin ang asawa nito sa kompanya kaya naman nung umalis si Andrew ay nagtabi ito ng malaking halaga sa bangko para sa kanya. Although substantially ay ipinangtulong niya din iyon kay Bennett.

Mabuti na lang at maganda ang naging takbo ng negosyo nina Bennet at Gertrude, they've also gotten married a few months ago and are happy with each other. Masaya niyang kinongratulate ang dalawa, she even gave them a honeymoon trip at nag-volunteer na bantayan si Rion para maenjoy ng dalawa ang bakasyon na silang dalawa lang muna. Everything that has happened is now inked down as the past, siya lang din naman ang mahihirapan kung kakaladkarin pa niya yun. Keep the lessons, drop the hatred.

"I cooked dinner." Masayang bungad sa kanya ni Andrew.

"You always cook dinner." Natawa naman siya dun kasi hindi naman siya marunong magluto kaya ito talaga ang designated cook sa kanila.

"It's out back." Hinawakan nito ang kamay niya at marahan siyang hinila papunta sa backyard ng bahay.

Nanlaki ang mata niya sa amazement kasi talagang candle lit dinner pa ang hinanda nito. He's always been the romantic habang siya ay palagi lang nasa receiving end nito. Sinusubukan naman niya and Andrew appreciates it and occasionally laughs about it kasi nga naman medyo cringy daw kapag siya ang nagiging overly sweet.

"This is so beautiful sweetheart." Niyakap niya ng mahigpit ang lalaki baka muli itong tiningnan at hinalikan. "Happy seventh month, happy two years, I'm happy we're together."

"I love you." He kissed her as well.

Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain ng hapunan. Ang dami-dami nilang plano sa mga susunod na araw na hindi niya na alam kung anong gagawin pa muna.

"You're ready for the trip to Spain?" She asked Andrew. Ito ang unang beses na makakapunta ito doon.

"Yes, as ready as I'll ever be. Your father's birthday will always be memorable." He smiled. "Napadala ko na doon yung mga gamit natin."

"Nauna pa sa atin yung mga yun, dad's house will surely be packed. Mabuti na lang at madaming rentals sa area nila kaya madaming accommodations. The whole family's coming. That'll just be pure chaos." Iniisip pa lang niya na andoon ang lahat ay naloloka na siya sa mga mangyayari. They always throw very noisy parties.

"Bennett and Gert will fly from Germany. Nagulat nga sila na inimbita sila ng tatay mo, you know, with all the things that happened." Andrew gave her a refill for her wine. "But thanks for that."

San Vicente 2: Fallacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon