CHAPTER 30

1.7K 46 11
                                    

"I HEARD WHAT happened." Si Andrew ang unang nagsalita nang pumasok si Bennett sa kwarto niya dito sa ospital.

How long had it been since the accident? A month maybe. Hindi pa siya hayaan na lumabas sa ospital dahil may ilang tests pang ginawa sa kanya. He understands kaya wala naman problema. Bobbie had been there with him since day one kahit na noong panahon na hindi niya ito maalala. It was just two days but he feels bad about it. Bumalik din sa kanya ang memorya nung panahon na yon. It was definitely odd.

"Ikaw na ang naaksidente, alam mo pa din ang tungkol sa akin?" Hindi niya alam kung sarcastic ang tawa ng kapatid o hindi.

"Bobbie told me. How's your daughter?" Andrew asked.

"Rion is good. She's healthy." Bennett smiled. He must love the kid to look like that. "Kuya,"

"I know, tungkol sa kompanya mo?" Andrew received information noong bisitahin siya ng bunso niyang kapatid. Sinabi nito na nangungutang si Bennett para ma-stabilize ang kompanya nito since it's not doing that well. Patrick wanted to help pero hindi nito magawa dahil hawak ng nanay nito ang kompanya ng nga Dela Merced. "How much do you need?"

"You're always ahead of me. Kung pinasok mo siguro ang negosyo, you would've been a lot like Bobbie, smart and all."

"Bobbie's a good person. Sinagad mo lang siya. We lied to her. We hurt her. Humingi ka man lang ba ng tawad sa kanya?" Gusto niyang magalit dito pero alam niyang katulad nito ay nasaktan niya din si Bobbie. "I was the root cause of her pain. Hindi kita dapat hinayaan noon."

Matagal na naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa and Andrew understood what that meant. Bennett knew his faults, he did, pero wala man lang ito ginawa para hingin ang tawad ni Bobbie.

"Bennett, ask for her forgiveness kapalit ng pagtulong ko sayo. I love her and even if I know that you two can't be that good to each other, gusto ko pa din na pakasalan siya. Kahit civility man lang maibigay ninyo sa isa't isa." As much as he wanted to tap his brother's shoulder ay hindi naman ito ganoon kalapit sa kanya.

"Hindi pa kita nakakamusta pero nalitanyahan mo na ako." Bennett did not look offended, mukhang naiintindihan naman nito. "Alam ko naman that I hurt Bobbie. Sana ay hindi ako nagpabuyo kay Mama."

"Live your own life Bennett. I understand na ginusto mong mahalin ka din ni Tita Patricia like how she loves Patrick pero kailangan mong tanggapin na hindi ka niya dapat i-control." Andrew said.

"I know, I'm sorry." Nakayuko ito. "But I really did want to check on you."

"Alam ko." He smiled. "I will help you out as much as I can."

"I can't begin to thank you enough. Aayusin ko uli ang kompanya. Pinagsama na namin ni Gertrude ang mga business namin. We're doing okay pero we need investments para mas mapalawak at ma-stabilize ang expansion." Paliwanag nito sa kanya. "Bobbie texted Gertrude that she's giving her half to Rion."

"Bobbie isn't a monster, nasaktan lang siya."

"I shouldn't have taken her from you. Kuya, I'm sorry." Medyo lumapit sa kanya si Bennett, iniiwas pa din nito ang tingin sa kanya.

"Just bounce back from this. Ayos na kami ni Bobbie. Please apologize to Bobbie. Okay?" Bilin niya muli dito.

"Plano namin na puntahan talaga siya. After what I did the last time medyo nahiya na kami ni Gert. We want to thank her for donating her shares to Rion." Kwento sa kanya ng kapatid. "Ayaw kong isipin mo na wala kaming konsensya ni Gert. Talagang nahihiya at natatakot lang kami."

San Vicente 2: Fallacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon