CHAPTER 6

1.9K 51 10
                                    

DAY 17

"THIS IS ABSURD, how can you not know how all of this works?" Naiinis niyang sabi kay Andrew habang binabasa nila ang monthly analysis report ng start up ni Adrian. "This is just the start up, paano mo pa maiintindihan yung sa kompanya mismo ng pamilya mo?"

"I am a doctor, Bobbie. Wala akong interes sa mga bagay na yan. Besides, matagal ko nang tinalikuran yang lahat na yan." He looked helpless again. Hindi niya tuloy alam kung mas maiinis ba siya o lulubayan niya na lang ito.

Nakakapanibago na hindi ito katulad ng lahat ng mga lalaking nakilala niya. He was not bleeding harsh masculinity. He shows a spectrum of emotions na di niya alam na kaya palang ipakita ng isang lalaki. He was soft and kind yet in a way still strong and intimidating, still manly.

"Well, aralin mo. Hanggang hindi ko nakikita ang kapatid mo hindi ka pupwedeng umalis. I will cut off everything from your family." Kulang na lang ay tunggain niya ang juice na nasa baso niya. Nililito siya ng lalaking to.

"I'm here, I'm not leaving until you let me." Sabi nito sa kanya and he smiled.

Kahit na naiinis siya sa tuwing nakikita niya si Andrew ay wala siyang choice kundi tulungan itong magpanggap bilang Adrian. Walang hiya man at tarantado si Adrian ay magaling ito sa negosyo kaya naman sumusugal pa din siya sa mga ideas nito. To make Andrew the perfect decoy, kailangan maging katulad ito ni Adrian. He must live like his twin until she knows what she wants to do with him or Adrian. And the most shocking thing in that set up ay nangako pa ito na tutulungan siya. He said he won't go without her permission.

"Makinig ka sa akin sa lahat ng sinasabi ko. Matalino ka naman siguro kaya ka naging doctor diba? You should just try to act like Adrian. Lahat ng business decisions ay pupwedeng sa akin na lang dumaan." Kanina pa niya itong pinapaliwanag dito. "Your role is to pretend like you are that asshole. Yun lang kaya ayusin mo."

"You will be a very terrible teacher Bobbie." He laughed. Baliw na ata ito. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi niya? She has been threatening him since the wedding pero parang wala lang ito dito.

"Should I be scared na nabaliw ka na?" Medyo umatras siya sa pagkakaupo para medyo mapalayo sa lalaki.

"I'm fine." Tinapik nito ang braso niya. "I'm good. This is just too much to process all at once."

"Well then, do better." She stood up. "May meeting ako ngayon sa Makati. Please study all of that hanggang makabalik ako. Pupunta tayo sa opisina ni Adrian bukas. People need to see me there."

"Do you want dinner?" Sabi ni Andrew habang nagliligpit ng mga papel sa dining table.

"Ha?" That was an odd question to come from that face kaya nagulat siya.

"Don't look so surprised. I said do you want dinner, ipagluluto kita." Parang wala lang dito ang sinabi niya. He wasn't even pissed at her. Ang kalmado ng mukha niya as if he was okay in all of this madness.

"If you're gonna poison me, you should try to do so discreetly." Sabi na lang niya dito.

"Ganyan ka ba talaga ka-suspicious sa lahat? Hindi ko gagawin yun." He looked sincere pero hindi niya makagat.

"Yes, kaya let's just exist quietly together. Hindi mo kailangan na maging mabait sa akin kasi Adrian never was." She started to walk away.

"Bakit mo siya pakakasalan sana?" Tanong nito sa kanya which made her stop. Bakit nga ba?

"Kasi kailangan ko, madami akong plano na involved ang lahat ng resources ng pamilya mo." If he's being honest then she will be too.

"Marriage is about love, Bobbie." Tiningnan niya lang ito. Love does not exist in her vocabulary, not anymore.

San Vicente 2: Fallacious ✅Where stories live. Discover now