CHAPTER 32

2.2K 48 9
                                    

"ALAM MO hindi ka nakakatuwa." Naiinis siyang nag-walk out sa kwarto nilang mag-asawa. Mas kinainis pa niya ang naririnig na mahinang tawa ni Andrew. "I hate you!"

"That's the hormones talking!" Kasunod na niya ito habang pababa siya papunta sa kusina. "Honey, come on akala ko di mo pa alam."

"I wanted to surprise you." Nahihikbing humarap siya dito.

"Sorry na, I got ahead of myself." Niyakap siya nito ng mahigpit. "Na-excite ako kaya binilhan na kita ng vitamins agad."

That's right, Bobbie is pregnant. She took the test a couple of days ago and did a check up just to confirm kung buntis nga siya and she was. Nagpaplano pa lang siya ng gagawin na sorpresa para kay Andrew nang maglabas ito ng mga pre-natal vitamins kanina nang makauwi ito galing sa trabaho. He knew!

***
"Ano yan? Pasalubong mo?" Nakaupo siya sa kama nila at nagbabasa ng kung ano nang dumating ang asawa niya,

"Kind of," he smiled. "Baka magulat ka but I think you're pregnant kaya I bought these on my way home."

Naglabas ito ng dalawang kahon ng pregnancy tests bago ang dalawang botelya ng pre-natal medicine. She knew that kasi ito din ang binigay sa kanya ng OB niya. Understatement ang nagulat siya kasi sobrang naging speechless talaga siya that time.

Unbelievable! Paano ba nalaman nitong lalaking to ang sana ay sorpresa niya? Dala din ata ng pagbubuntis ay parang inis na inis talaga siya sa lalaking kaharap niya ngayon, wala siyang pake na asawa niya ito at mahal niya, inis na inis talaga siya.

"Bakit alam mo?" She stood up.

"I'm a doctor honey, napansin ko lang yung mga pagbabago sayo. You've been sensitive to some smells and food. You've also been sleeping more. And you haven't had your period." Minsan nakakainis din ang pagiging observant nito. Hindi man lang siya nakapagplano ng surprise and that pissed her off so bad. "I wasn't sure kaya bumili ako ng tests for you."

"Ewan ko sayo!" Then she stood up.

"Honey," tawag nito sa kanya.

***

Gusto pa naman sana niya itong i-sorpresa kasi nga higit dalawang taon din nila hinintay ito. They have been trying harder to conceive since six months ago until she noticed that she didn't get her period this month and she remembered that she only had some light spotting nung nakaraan. Akala niya ay dahil lang sa stress kaya naudlot yung period niya nung huli pero sabi ng doctor ay malamang ay implantation bleeding lang iyon at hindi talaga ang period niya.

Life has been great for them since they got married, maayos ang takbo ng mga careers nila and Andrew is even teaching in the university where the hospital he works in is affiliated. Akala niya ay matatapos din ang honeymoon phase nilang dalawa pero mukhang hindi ganun ang lagay sa kanila. Totoo nga na kapag yung taong para sayo ang kasama no ay hindi nawawala yung excitement sa relationship, it just gets better lalo na at alam mong habang buhay mo na siyang makakasama. They do fight, normal naman silang mga tao. They find annoying things about each other as well but they learn to change for the better or adapt.

They enjoyed their alone time as husband and wife and finally decided na maybe it's time for them to start building their family. Natuwa siya sa idea na yun. Bobbie knew for sure that she wanted kids. Gusto niya ng madaming anak, ayaw niyang maging mag-isa din ang anak niya like her. She was well loved pero she was still alone at home at the end of the day.

"You can surprise me instead with the baby's gender." Suhestyon ng asawa. Habol pa din siya nito hanggang sa makarating siya sa kusina.

"No I won't." Umiling siya.

San Vicente 2: Fallacious ✅Where stories live. Discover now