Epilogue

2.8K 35 34
                                    

Hindi pala talaga madali ang biglang lumipat sa isang sitwasyong alam mong magkakaroon ng malaking epekto sa iyong buhay. Isa dito ay ang simpleng pagsagot sa tanong kung hahayaan mo ba o hindi ang iyong sarili na piliing kilalaning maigi ang isang taong kadikit ang salitang "kumplikado"?

Maaaring hindi para sa iba, pero sa akin, isang napakalaking OO.

Na-attach ako sa isang tao. Isa ito sa maraming bagay tungkol sa akin na kahit kailanma'y hindi ko ikinahihiya. Pinanghihinayangan ko man, pero, kahit kailan, hindi ko pinagsisisihan. At inaamin ko na dahil dito, ang buhay kong napakasimple at napakatiwasay ay naging magulo. Naging kumplikado.

Hindi naman ako tanga at lalong hindi naman ako bobo, siyempre, umiwas ako hangga't makakaya ko. Pero, wala e. Kahit anong tinakbo ko palayo dito, ito mismo ang lumalapit sa akin. Anong magagawa ko kung talagang magnet na ata ako ng salitang "kumplikado".

Nagtagpo ang landas namin ni Nathan, tatlong taon na ang nakaraan. The usual set-up. Nagkakilanlan, nagkadevelopan, nag-abot sa puntong andiyan na kami sa sitwasyong kulang na lang ay pormalidad, pero hanggang dito na lamang talaga. Muntik na.

Simple 'di ba? Pero, naging kumplikado.

Gaya nang palagi kong sinasabi, ambilis lumipas ng panahon, tipong dumadaan lang ang mga araw, akalain mong, November 2012 na ngayon. Parang kahapon lang yung unang araw na nakilala ko yung amboy na yun.

Biglang bumalik yung mga alala sa utak ko. Kahit anong sabi ko sa sarili kong makakalimutan ko siya, hindi ko magawa. Ganun ata talaga, the memories will always stay.

Andito kami ngayon nina Dani at Lui sa Starbucks Bonifacio High Street, funny lang kasi dito kami unang nagdate ni Nathan. Lately, wala na akong nababalitaan sa kanya, pero, once in a while, nakakasagap ako, gawa na ring kaibigan ko ang mga pinsan niyang sina Jeremy at Liam. At, yun nga ang pag-uusapan kung bakit kami magkakasamang tatlo ngayon. May ibinalita sa akin si Jeremy tungkol kay Nathan last week.

"So, how are you Sam?" tanong ni Lui. Kakaiba yung ngiti niya sa mukha niya, parang may masamang balak.

"Okay naman ako. What's with the smile, Chan? E ikaw?"

"Eto okay naman din. Planning to go back to Singapore para ipagpatuloy yung naiwanan ko."

"Wow! Sama ako sa balak mo Chan! Gusto ko rin magmasteral!" singit ni Dani. Gusto rin kasi nun umalis kaso hindi maiwan kasi lumalovelife ang walanghiya.

"Wow. Weird noh? Parang kailan lang nasa UST tayo, nag-aaral, then, nagmasteral, nagreview for boards, nakapasa tapos ngayon, may kanya kanya ng plano sa buhay. Ang mature. Hahahaha!"

Napatango yung dalawa. Maya maya, nagsalita si Lui pagkatapos humigop sa inorder niyang kape, "So, bakit kumakain ka na ngayon ng Belgian Waffle? Akala ko sinumpa mo na yan? Hahaha! Effective ba yung balak nating 'The Ten Percent Demolition'?" nang asar pa.

"Huwag mo nang asarin Chan, nakamove on na yan. In fairness, nabawasan naman yung 10%. Hahahahaha!"

"Isa ka pa Dani e. Pero, in fairness Lui ha, somehow nagiging okay naman na ako. Siguro ngayon, 9% na lang.. Hahaha!" pagbibiro ko. Kung sa bagay, nakatulong din naman kasi talaga ang ginawa naming pagsulat ng mala 500 days of Summer kong love story sa Wattpad. However, sa akin, 1095 Days of Nathan. Hahaha.

"See! I told you. Ansaya noh, lalo kapag may mga nagvovote, kumocomment at nagbibigay ng suggestions nila. Nakakataba ng puso na parehas kayo ng sentimyento sa buhay. Hahaha! So, ano? Mukhang may book 2 ang Almost natin ha?" banat ni Lui a.k.a theyinandyang, pumapalakpak pa.

"Asa ka! Walang book 2!"

"E di ba kaya nga tayo nagmeeting ngayon? May pag-uusapan tayo. Yung last weekend?" sabi ni Dani. Tag team na 'tong dalawa.

"WALA NGA YUN! Wag kasi bigyan ng meaning."

"Aysows Sam! WAHAHAHAHA!" nag duet na naman ang magagaling kong mga kaibigan.

* * *

Weekend!

Pagkatapos nang matagal na panahon, nagweekend ulit ako kila ninong Julius. Sabado ngayon, and just like old times, magkakasama kami nina Jeremy at Erica sa clubhouse, umiinom, nagbabaraha, nagkkwentuhan.

Sayang lang at wala si Liam. Busy na, kahit weekend, schoolwork ang inaatupag. Graduating kasi. Namiss ko 'to nang sobra, at siguro nga, ito ang kailangan ko ngayon para naman medyo makarelax. Nagiging hectic na rin sa work lately.

"Buti naman at nagpakita ka na ulit dito, Sam." hirit ni Erica.

"Ganun na ba katagal?"

"Oo kaya. We don't get to see you anymore."

"Sobrang busy kasi. Hindi ko na nga alam kung pano ko ibabalance yung buhay ko. Ang dami kong gustong gawin pero parang walang enough time to do it. Don't worry, I'll try to be here more often."

"Now that's what we want to hear!"

Tuloy lang ang kwentuhan at tawanan. Sana lagi na lang ganito.

"Sam! May chismis nga pala ako sa'yo." nakangiting sinabi ni Jeremy.

"Ano naman yun?"

"The engagement got called off."

THE END

Almost (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon