4: Suddenly Everything has Changed

3.7K 52 14
                                    

Tattooed On My Mind by D'Sound
And I can't get you out of my dreams
Now I know that you're a dangerous kind
And your face is tattooed on my mind
And I can't get you out of my dreams..
Yes I know you're tattooed
On my mind you're tattooed

Simula nang mag July hanggang ngayong September, lagi na kaming nagkikita weekly. Ito yung mga panahon na tinutulungan niya ako sa thesis book ko dahil malapit na ang deadline, at hindi naman ganun ka dami pa ang kailangan niya gawin for school dahil kasisimula lang ng 2nd term nila.

Habang tahimik kaming gumagawa, medyo kinutuban ako nang masama, pero hindi ko nalang pinansin, baka kasi mamaya imahinasyon ko lang yun. Nagulat ako nang bigla siya magsalita,

"I need to tell you something."

"Sure, what's up?"

"Remember that school in Michigan I told you about?", nagpause siya saglit, pero parang may masamang mangyayari na ewan. "The one that has internships at Pixar?", tumatango lang ako sa bawat sentence na binibitawan niya habang busy busyhan na nakatingin sa ginagawa ko. "Last year, I sent an application there, and I got a letter the other day that... I got in.", pagtatapos niya.

Stunned ako pero, "Wow! That's really big! But didn't school start in the States already?"

"Yeah, but there's 2 terms, fall and winter. I can start by winter term on January."

"January already? Wow, that soon. Congratulations! We have to celebrate!"

"C'mon, I'll finish this later at home. Let's go do something fun!"

* * * * *

Nagpunta kami sa Timezone. Hindi ko talaga maipaliwanag yung pakiramdam ko pagkatapos mag sink in sa akin lahat ng sinabi nya.

Yung feeling na biglang inisampal sa akin ng realidad na, oo, totoo lahat ng ito at hindi ka nananaginip.

Nung una kasi, parang I'm-happy-for-you dialogues lang yung pumapasok sa isip ko. Na wow, ang galing, natanggap siya. Na wow, matutupad niya na yung isa sa mga pangarap niya. Pero, hindi ko naman maikakaila na, oo naman, siyempre, masaya talaga ako para sa kanya kasi minsan lang dumating ang ganitong opportunity. Na ito yung mga bagay na tipong hindi na dapat pinagdadalawang isip-an pa.

Pero... andaming pero e. Sa dami, isa lang yung nangibabaw. Isa lang yung namukod tangi. At ang nakakainis dun, sa isang yun, nagsanga sanga yung mga 'pero'. Parang namulaklak. Parang nagbunga.

"Ibig sabihin, dun na sya titira?"

Yun.

Dinaig pa yung pagtigil ng mundo e. Yung kahit anong encyclopedia o dictionary, hindi maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Exag, alam ko, pero ito yun. Ito yun.

Hindi niya napansin yung diversion na ginawa ko. Or siguro napansin niya rin, pero hindi na lang siya nag object. Hindi nalang niya pinuna.

Kinulit ko na nga lang siyang ililibre ko siya nung favorite niyang ice cream. Nung una ayaw niya pa, pero pumayag din. Wala siyang magagawa kundi uupakan ko siya.

Habang kumakain kami, hindi ko na napigilan yung sarili ko na itanong yung mga nagsanga sangang mga tanong na bumabagabag sa utak ko, kaya, nagsalita na ako.

"So, what's gonna happen to your classes in Benilde?", pause, huminga lang nang kaunti, "Are you gonna stop going?"

"No, some of my classes are going to be credited, so I'll keep going. I'm dropping 3 subjects though, meaning I'll have more time to be with you."

Almost (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon