14: Running to Stand Still

2.9K 43 22
                                    

Just Fine by Mary J Blige

Feels so good, when you’re doing all the things that you want to do

Get the best out of life, treat yourself to something new

Keep your head up high

In yourself, believe in you, believe in me

Having a really good time, I’m not complaining

And I’m a still wear a smile if it raining

I got to enjoy myself regardless

I appreciate life, I’m so glad I got mine

So I like what I see when I’m looking at me

Dumadaan lang yung mga araw. Nagiging routine na yung bawat galaw ko sa pang araw araw. Gigising sa umaga, papasok sa opisina, kakain, magtatrabaho, uuwi, matutulog. Bukas, ganun ulit.

Walang masyadong excitement. Though, minsan masaya, minsan naman hindi. Pero, narealize ko, hindi ko dapat nilulunod yung sarili ko sa lungkot. O iniisip na paulit ulit lang yung nangyayari. Ako lang din yung gumagawa ng sarili kong ikakastress. Ako lang din nag-iisip na may problema pala.

Natural, hindi ganun kadali makalimutan si Nathan, na kahit iwasan ko, sadyang nilamon ng mga alaala niya yung utak ko. Saka, kahit naman ilang beses mo sabihin sa sarili mo na kakalimutan mo ang isang tao, napaka imposible nun, maliban na lang talaga kapag magka amnesia ka. Kasi, kahit gaano katagal pa yan, kahit abutin pa yan ng susunod na milenyo, malabo.

Hindi mo makakalimutan yung tao, siguro yung feelings. Pero, sa ngayon, kailangan simulan paunti unti.

Ang hirap lang talaga kasi kahit anong iwas o gawin ko, ganun pa rin. Bawat lugar na puntahan ko, may mga alaala naming dalawa.

Naisip ko na lang, bahala na. Kung ano man ang nararamdaman ko sa ngayon, go lang.

"One day at a time lang, Sam. Makakayanan mo yan, promise!" nasabi ko nalang sa sarili ko habang nasa wash room. Katatapos lang kasi ng lunch break namin.

Naglakad na ako pabalik ng cubicle ko at nagsimula na muling magtrabaho. Maya maya lang, biglang tumunog yung cellphone ko.

“Hi Sam, how are you?”

“I’m good, how are you, Jer?”

“Great. So, listen, do you wanna go out with me and Liam on Friday night?”

“Do you think that’s a good idea? Don’t your girlfriends have a death wish on me or something?”

Totoo naman kasi. Umiiwas na ako sa kanila hindi lang dahil pinsan nila si ano, dahil sa mga girlfriends ng mga yun na gusto akong lamunin ng buhay.

Ayaw sabihin sino? He-who-must-not-be-named ang drama?

“Very funny, Sam. They won’t be there, okay? Liam and I are going to Cable. C'mon, just come with us. We miss you! Besides, you know you could use the night out.”

“Fine. But, I can’t stay out late, okay? Just for a couple of hours.”

“Cool. Text you on Friday, okay? Want me to pick you up somewhere?”

“No, it's fine. I’ll just meet you guys there.”

“Ayt. Can’t wait Sam, see you!”

Sa totoo lang, ayaw ko sanang sumama. Nakakatamad saka hindi ako sanay na lumalabas ng gabi. Hindi ako mahilig sa mga labas labas na yan. Gastos pa. Though, alam ko namang sasagutin ako nung lokong magkapatid na yun. Pero, kahit na.

Almost (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon