15: I Forgot to Remember to Forget

2.9K 49 33
                                    

Gotten by Slash ft. Adam Levine

So nice to see your face again

Tell me how long has it been

Since you've been here

(since you've been here)

You look so different than before

But still the person I adore

Frozen with fear

I'm out of love but I'll take it from the past

I'll let out words cause I'm sure It'll never last

Just got home from my Saturdate with @ryangomez, had so much fun, thank you :>”

Nagtweet ako right after ko magtext kay Liam. Namiss ko rin yung buhay cyberworld ah. Tagal ko ring hindi nakapagcheck ng FB at Twitter.

Browse sa news feed, andami ko palang namiss. Grabe.

May bf na pala yung HS friend kong si Joy, at mukhang masaya siya sa mga pictures. Si Lui naman, in love na in love, maka status, wagas lang sa pick-up lines.

Ganito ang buhay.

Ang sarap at nakakamiss ngumiti at tumawa.

***

Sa loob ng halos isa’t kalahating buwan, medyo umayos ang takbo ng buhay ko. Kalmado lang at sa wakas, drama-free.

Chill at steady lang ako sa trabaho, yung saktong may oras para sa pamilya at mga kaibigan ko. Nagbalik loob nga ako kina Lui at Dani, medyo nagtatampo yung dalawa kasi madalang na rin ako makipagkita sa kanila. Naikwento ko sa kanila yung about kay Ryan at wala naman silang tutol dun. Pinayuhan lang nila ako gaya ni Liam na mag-ingat at huwag ibaba ang guwardiya.

Nag soul search ako for the past month. Hinanap ko lang yung dating Sam na masayahin at stress-free. So far, okay naman ang mga nangyayari at kahit paano ay nabubuhay na ulit ako nang matiwasay.

After ng gimik namin nina Jer at Liam, hindi ko na sila nakita at nakausap ulit. Ayoko na rin kasing mag first move na makipag communicate sa kanila, hindi dahil ayaw ko sila makausap kundi dahil, umiiwas na rin ako sa gulo. Though, paminsan, nagtetext si Liam at nangangamusta. Tamang ganun lang. Okay na rin ako sa ganun.

Busy rin kasi yung bugok na yun with school stuff and sa girlfriend niyang si Quinn. Ayoko na makisabay, mahirap na.

***

“Another saturdate! Off to meet @ryangomez”

Sosyal! Patweet tweet na lang ah? Masaya teh?

Makikipagkita ulit sa akin si Ryan. Gusto niya pa ako sunduin sa office, pero, knowing me, ayaw ko ng sinusundo ako, kaya, as always, nagmeet lang kami sa lugar kung saan mag chill at relax.

Tulad nga ng sabi ko, masaya siyang kasama. Hindi siya nauubusan ng sasabihin at mahilig siya bumanat ng jokes. Sobrang tawa lang kami palagi. Walang dull moments, as in.

Bukod pa dun, adventurous din siya. Mahilig magtry ng mga bago at kakaibang mga bagay. Iba siya sa mga taong nasa mundo ko. Kaya, somehow, masasabi kong nakakawala ako sa box ko.

Pero, alam mo yung walang spark? Kahit alam kong napapatawa niya ako at napapasaya, parang may kulang. Iba e. Totoo pala yung spark spark na yan. Wala kasi e.

Nabanggit nga ni Jer, one time sa text na, "He really likes you, Sam. Pero, masyado kang mabait para kay Ryan."

Natawa na lang talaga ako nung sinabi niya yun. Ako? Mabait? Kailan pa? Haha!

Almost (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon