1: Summertime

7.7K 58 20
  • Dedicated kay To All KimXi Fanatics
                                    

Just Friends by Musiq Soulchild
I'm not trying to pressure you
Just can't stop thinkin' 'bout you
You ain't even really gotta be my girlfriend
I just wanna know your name
And maybe some time
We can hook up, hang out, just chill

"Bakasyon na naman! Yay!", napabalikwas ako sa kama at nagtatalun-talon dito.

First day kasi ng summer vacation ko. Huling summer vacation ko na ito bilang isang estudyante. Siyempre, kailangan maging memorable ito para sa akin. Dapat ito ang pinakamagandang summer ko.

5th year na ako next school year -- thesis year. Magkahalong kaba at takot ang aking nararamdaman pero excited kahit paano dahil next year ga-graduate na ako sa kurso kong Architecture.

At isa pa, ibig sabihin nun, mapapadalas ulit ako sa village nila Ninong.

Simula nang magcollege ako, every summer dun na ako tumatambay sa village nila. Nagpapalipas oras lang at inaaliw ang sarili. Bukod sa mga yun, natutuwa rin ako sa mga disenyo ng mga bahay na nakatayo dun.

Iba't iba, may Mediterranean, may Contemporary, Asian at marami pa. Minsan nga, nakakakuha ako ng inspirasyon sa mga designs ko.

At higit sa lahat, close kami ni Ninong Julius at tuwang-tuwa yun sa akin kaya gusto niya na bumibisita ako sa kanya. Mas masaya pa lalo siya kapag nag-aastang 'matchmaker' naming dalawa ni Liam.

Si Liam, siya ung naging kaibigan ko sa village nila.

Naalala ko tuloy ung araw na nagkakilala kami. 13 lang pala siya nun at 17 ako. Ang laki ng agwat ng edad namin pero wala sa itsura, kumbaga, hindi halata. Paano ba naman kasi, ang tangkad nun at ako naman, hindi gaanong nabiyayaan pero pasok naman sa edad ko. Minsan nga, mas napagkakamalan pa siyang mas matanda sa akin e.

Parehas kaming mahilig sa sports lalo na sa basketball, at yun din ang naging dahilan kung paano nagkrus ang landas naming dalawa.

Di man halata sa built ko na mahilig ako sa sports, Tennis varsity player ako nung high school. Dahil sa asthma ko at pagiging busy sa pag-aaral, medyo napahinto ako maglaro, pero kapag nabigyan ng pagkakataon, naglalaro pa rin naman ako. Sayang e.

Wala pa akong kilala nun sa village, kalilipat lang din kasi ng Ninong ko nun. Nataon na may mga naglalaro sa basketball gym dun kaya sumilip ako. Nag-enjoy ako sa panonood kaya napastay na rin ako.

Dalawang salita lang ang nasabi ko sa basketball gym nila, "I'm sorry."

Paano ba naman, ang ganda at ang laki. Daig pa yung dati naming gym sa school e. Pwedeng mag-conduct ng mga paliga, masarap maglaro, gawa sa tabla ung sahig e.

Umupo ako sa may bleachers sa may bandang taas. Sakto na andun din pala ung driver ng Ninong ko, sa di kalayuan, nanonood. Napalingon siya kung nasaan ako nakapuwesto, kaya nakita niya ako, ngumiti lang siya sa akin. Nginitian ko nalang din.

Close fight yung game. Dalawa lang ung lamang nung isang team.

Ayoko magfeeling pero habang nanonood ako nun, mayroong tingin nang tingin sakin tapos bigla ngingiti, lalo kapag nakaka-assist at shoot siya. Magaling siya maglaro, in fairness. Yung galaw niya, pwedeng pang varsity player e. Siguro, varsity player nga siya.

"Pero, siyempre, iba parin si Kiko!", bigla ko nasabi. Si Kiko, isa siya sa varsity players sa school ko, Kiko kasi Francis pangalan niya.

Maputi, matangkad around 5'7", may itsura naman un lalaking tumitingin sakin kanina pero di ko nalang pinapansin, hinayaan ko nalang. Tutal, wala naman siyang ginagawang masama. Di naman siguro masamang bagay ang tignan ka after mo makashoot ng bola. Di ba? Wala rin naman ako magagawa kung mapapatingin siya sakin. Flattering pa nga yun.

Almost (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon