26: Nothing Left to Lose

2.6K 47 31
                                    

Holding On and Letting Go by Ross Copperman

It's everything you wanted, it's everything you don't

It's one door swinging open and one door swinging closed

Some prayers find an answer

Some prayers never know

We're holding on and letting go

Sometimes we're holding angels

And we never even know

Don't know if we'll make it, 

But we know,

We just can't let it show

Gaya ng favorite kong linya, ambilis umandar ng mga araw, lalo kapag may pinagkakaabalahan ka. At sa mga oras na ito, talaga namang babad ako sa pag-aaral. Isang buwan at kalahati na lang din bago mag board exam. Umabot na ako sa point na medyo nakakaumay na rin minsan yung puro lang aral at basa ang inaatupag ko, pero, natatanong ko sa sarili ko, ngayon pa ba ako susuko?

"Konting tiis na lang Sam, worth it naman yang pinaghihirapan mo. Pangarap mo naman ang nakasalalay." yan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Naging whole day na yung review ko, tapos, pag-uwi ng bahay, same stuff, aral pa rin. Kapag wala namang review classes, lumalabas ako para imeet yung mga kaibigan kong nagrereview din para mag group study. Yes, literally, mukha na akong walking library. Hindi na talaga kasi pwedeng magsayang ng oras. Sina Lui at Dani rin, kapag may bakanteng oras sila, ay tumutulong sa pagrereview ko.

Kung tutuusin, ang nagiging pinaka break ko sa lahat maliban sa kain at sa tulog, ay si Nathan.

Pagmamahal nga naman.

Wala namang nagbago sa set-up namin, ganun pa rin. At, sa dami ng kailangan kong isipin, wala akong balak idagdag pa yun. Sa totoo lang, aaminin ko, isa siya sa mga nagmaintain ng sanity ko, at kung anuman ang tawag sa kung anong meron sa amin, hindi ngayon yung tamang oras para problemahin ko pa. Andyan siya, period.

***

These past few days, mahilig kaming mag group study sa BGC. Una, ito ang pinaka accessible sa aming lahat. Pangalawa, hindi kasi sobrang matao dito, masarap mag-aral. Pangatlo, ang daming on-going construction, kaya, nagagamit din namin yun sa pagrereview.

Ngayong araw, bibigyan kami ng mock exam ng isa naming kaibigan na nag board exam na rin. Si Richard, nakasama namin siya nung nag Centerstage kami nung birthday ni Lui. Malaking tulong yun, kasi at least, may idea kami kung anong format nung actual na exam at hindi na kami mangangapa sa mismong araw.

Buong maghapon kaming nag-aral sa Starbucks, hanggang sa ginabi na kami. Nagkayayaan kumain after. At, dahil malapit lang yung S&R kung saan kami nagstay, naisip naming mag-pizza na lang.

"O, anong order niyo?" tanong ng nagugutom na si Richard.

"Bili na lang kayo ng dalawang buo, kasya na sa atin yan." sagot ko.

"Sam, kuha ka ng condiments."

"Oo sige, yung iba hanap na ng upuan. Mika, samahan mo ako."

"Tara."

Kumuha kami ng condiments sa side ng pinag-oorderan. Kapag maraming tao, hindi ko maiwasang umiikot yung mata ko, natural na yun sa akin. Nagwawander sa kung saan saan. Nung papunta na kami sa may seats, napatingin ako sa pay counters nung supermarket part. Natigil ako sa paglalakad at nagulat ako sa nakita ko.

Almost (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon