16: Searching for a Former Clarity

3K 55 37
                                    

Wonderwall by Oasis

And all the roads we have to walk are winding

And all the lights that lead us there are blinding

There are many things that I would like to say to you

But I don't know how

Because maybe

You're gonna be the one that saves me

And after all

You're my wonderwall

"Mukhang maganda ata gising ng unica hija ko ah?" bati ni Papa na nakangiti pa.

"Di naman Pops, medyo napasarap din kasi tulog ko. At saka, kumpleto! 8 hours! Hahaha!" sagot ko naman sa kanya na matawa tawa pa.

Napansin niyang masigla ako ngayong araw. Sino ba namang hindi sasaya? Simula ng araw na nag-usap kami ni Nathan, bumalik yung dati naming nakagawiang matagal ding nawala.

Communication.

Pero, kahit hindi ito yung tipong araw araw at least consistent ang mga good morning at good night messages niya na talaga namang nagpapasaya ng umaga ko. At, nagpapahimbing ng tulog ko.

Bumabawi ata? Tama lang yun noh!

Tama ako sa hinala ko, hindi naman talaga pariwarang tao itong si Nathan. Naging lonely lang siya talaga. Pero, minsan, naiisip ko, tama ba yung naging choice niya dun? Ako rin naman nalungkot, pero hindi ko naman nilulong ang sarili ko sa droga.

Sa totoo, medyo may inis akong naramdaman sa kanya kasi parang ako pa yung na-guilty nung nalaman ko yung mga pinagagawa niya. Kung tutuusin, andami namang pwedeng gawin, maraming pwedeng pagkaabalahan, bakit yun pa ang naisip niya. Siya nga mismo ang ayaw nun. Tapos ganun. Ang ironic lang kung iisipin.

Ang lumalabas pa, parang ako pa ang may kasalanan kaya siya nagkaganun. Kasi, hindi ko siya kinakausap? Ako nga itong iniwan niya, di ba?

E Sam? Sino ba kasing nagsabi sa iyong kausapin mo ulit? Ayan ka na naman e. E di ba, sinabi ko na sa iyo, tama na? Anung ginawa mo? Tapos, may painis inis drama ka pa diyan? E kung ako kaya naiinis sa iyo? Pa guilty guilty pa. Masaya ka naman e, kaya echos na lang yan! Sus!

Haaaay.

Naisip ko na lang, past is past. Nangyari na ang nangyari. Besides, wala naman na ako magagawa para mabago pa yung mga naganap. Ang importante nasa buhay na kami ng isa't isa ulit.

And, it seems like, he's really trying to set things right.

Happy na ako dun.

Handa akong burahin lahat ng yun para sa kanya. Kahit naman pag-ikut ikutin ko pa ang mundo, mahal ko talaga siya. Hindi ako masisisi ng kahit sino. Pakiramdam ko, kahit naman sino pa ang nasa lagay ko, maiintindihan yung ginagawa ko ngayon.

Naghanap ng kakampi, Sam?

Magkausap kami ngayon, Skype. Sana mahanap ko yung lakas ng loob na tanungin siya sa isa sa mga bumabagabag sa isip ko. Yung reason kung bakit galit na galit ako sa kanya noon.

"Hey bud, can I ask a question?" pagsisimula ko.

"Sure."

"That girl you dated..." kaya ko ito, itatanong ko ito.

"...uhmm." konti nalang.

"I-is... she still your... girlfriend?"

Yun! Sa wakas! Inabot nang siyam siyam?

Almost (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon