Prologue

18.4K 92 20
                                    

You should know up front that this is not a love story. - 500 Days of Summer

Hindi madali ang biglang lumipat sa isang sitwasyong alam mong magkakaroon ng malaking epekto sa iyong buhay. At oo, isa dito ay ang simpleng pagsagot sa tanong kung hahayaan mo ba o hindi ang iyong sarili na piliing kilalaning maigi ang isang taong kadikit ang salitang "kumplikado"?

Maaaring hindi para sa iba, pero sakin, isang napakalaking OO.

Madali akong ma-attach sa isang tao. Isa ito sa maraming bagay tungkol sakin na kahit kailanman ay hindi ko ikinahihiya. At aminado ako, na dahil dito, kung bakit ang buhay kong napakasimple't napakatiwasay ay nagiging magulo. Nagiging kumplikado.

Hindi naman ako tanga at lalong hindi naman ako bobo, siyempre, iniwasan ko yun hangga't makakaya ko. Hindi ko lang sinubukang umiwas, ginawa ko pa. Pero, wala e. Kahit anong takbo ko palayo rito'y ito mismo ang lumalapit sa akin. Anong magagawa ko kung talagang magnet na ata ako ng salitang "kumplikado".

Kadalasan, ganito lang naman kasimple ang set-up: magtatagpo ang landas ni babae at ni lalaki, lubusang makikilala ang bawat isa, magkaka-develop-an at yan na, "Mutual Feelings", ika nga nila.

Simple 'di ba? Na parang, kahit saang anggulo mo tignan, hindi mo mai-spell ang salitang "kumplikado".

Ako si Sam.

At ito ang napaka kumplikadong storya ng buhay ko.

* * * * *

Warning, if you're not used to stories with less "kilig", you better stop now, I might disappoint you. But, if you want to know how 'complication' works, feel free to check this out!

Thank YOU for sparing a little of your time to read my humble story :) Deeply appreciated.

Almost (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon