20: Brave New World

2.9K 36 67
                                    

Yo by Chris Brown

I don't know your name but excuse me miss

I saw you from across the room

And I got to admit that you got my attention

You're making me want to say yo

I know you're trying to leave but excuse me miss

I saved the last dance for you

How I love to keep you here with me oh baby 

"Arch. Lui Chan! Bagay a! Happy Birthday! :) Miss you.. Kita naman tayo!"

Masayang tinawagan ni Sam ang kaibigang pumasa ng boards at katatapos lamang mag oath-taking nung nakaraang linggo. Hindi siya nakasama sa panunumpa ng kaibigan sapagkat kasabay ito ng pag celebrate nila ng kaarawan ng kanyang "almost lover" na si Nathan.

Hindi rin naman niya kasi kaya palampasin ang "huling" araw na pagsasama nila ng lalaking hindi niya makakapiling sa loob ng labingwalong buwan.

For sure, malaki ang tampo ng kaibigan sa kanya, pero, sigurado siyang maiintindihan siya nito. Para saan pa't naging presidente ito ng Team NathSam Fans Club.

Isa pa, hindi niya rin malilimutan ang birthday ni Lui dahil kaparehas nito ang birthday ng kanyang Papa. Kaya naman, mayroon siyang 'valid reason' kung bakit hindi siya makakasama sa celebration ng arkitektong kaibigan sa darating na weekend.

"Wow! Nakaalala yung isa! Hahaha. Salamat Arch. soon-to-be Lim-Torres! Bagay na bagay din a, hehe!" pagbibiro ni Lui.

"Baliw! Lim-Torres ka diyan."

Hindi naman makakaila ni Sam na napasmile siya sa sinabi ng ever supportive na kaibigan. Naalala niya tuloy yung moment kung saan inaya siya ni Nathan magpakasal, indirectly man, somehow, mayroong basis kung bakit yun binitawan ng desperadong amboy.

"You know, you could marry me. That would solve our problem."

Sam shakes her head to erase the thought and continue to talk, "Ahmm, ano pala Lu—"

Hindi pa man siya tapos makapagsalita, tila nabasa na ng kausap ang gustong sabihin ng utak niya.

"Oo na, oo na, alam kong hindi ka pwede this weekend kasi... magkabirthday kami ni Tito, pakibati nalang ako kay Hulk! Joke!"

"Loka loka ka talaga!"

"IKR! Teka, siguro naman, babakantehin mo yung weekend after Holy week? Labas tayo, kasama sina Berta. KTV! My treat... Nako, Sam! Malaki utang mo sa akin! Naniningil na ako! Saka, pasalamat ka, na Team Nathan all the way ako, ewan ko na lang kay Dani."

Tama nga ang naisip ni Sam. Magegets siya ng pangulo ng NathSam Fans Club. Natawa na lamang siya sa naisip. Basta talaga pagdating kay Nathan, kuha niya ang takbo ng utak ni Lui.

"Oo ba! Game! Saan ba tayo? Berta? Si Gilbert?" masiglang tanong niya.

"OO! Kilala mo un 'di ba? Alam ko kaklase mo yun sa Sec3! Game? Kasama rin sina Richard, Kit, Kaye at Ken!"

"Wow!"

Naexcite siya sa narinig. Reunion ng mga kaklase nila ang pinlano ni Lui. Mukhang masaya yun. Kailangan na rin niya talaga kasi ang mag unwind.

Sa totoo lang, nagsasawa na rin kasi siya magmukmok at maging malungkot. Wala rin namang magagawa ang pagdadrama niya. Isa pa, nasanay na siya sa "kumplikadong" set-up nilang dalawa. Nung una pa lang naman ay alam na niyang ganito ang magiging resulta. Siya lang naman kasi ang makulit na nagpupumilit na posible ang "sila".

Almost (KimXi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon