“Hoy bakla, anong nangyari diyan sa bruha?”
Bulong sa akin ni Timmy sabay nguso kay Briel na nakasubsob parin ang ulo sa mesa. Pati sina Maxy at Rini nakaabang sa sagot ko, kapwa nagtataka sa inaakto ni Briel.
“Eh kasi ano...” Pabitin kong sabi. Mas nilapit naman nilang tatlo ang ulo nila sa akin. “Secret.” Pang-aasar ko. Lahat sila napairap sa akin. Duh family issue yun alangan namang ipangalandakan ko?
“Bwisit, ni-reject mo nanaman 'no? Ang gaga mo naman kung ganun? Akala ko ba gust—” Sinupalpal ko kaagad ng kanin ang bibig ni Timothee. Ang daldal talaga ng baklang 'to. Akala ko magrereact si Briel pero wala, nakasubsob parin ito at hindi ginagalaw ang pagkain niya.
“May gusto ka kay Briel?” Mahinang tanong ni Rini habang nakakunot-noo. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Maxy at ang pagreklamo ni Timothee na nasa tabi ko.
“Hindi paba obvious—” Panglalaglag ulit sana ni Tim, mabuti nalang tinakpan ko na ang bibig niya. Isa pa talaga at ipapaputol ko na ang dila niya.
“Omg.” Rini shrieked and gave me a teasing smile kaya napairap ako. Sabi na ngaba at maling ideya talaga na malaman ni Tim ang mga ganitong bagay. 'Di nagtatagal eh.
“When are you telling her?” Pangungulit niya pa. Nagkibit balikat lang ako saka sumulyap kay Gabriela. Maybe I'd tell her after her issue with tita Glen.
Nakatitig lang ako sa kanya nang bigla itong nag-angat ng ulo. Her eyes directed to me. Medyo singkit pa ang mata niya, di ko alam kung dahil ba sa pag-iyak o sa pagtulog niya buong umaga.
Pagkatapos kong magsinungaling kay Tita Glen ay hindi ba kumibo ang gaga. Nakatulala nalang siya palagi. Diretso nga siyang umuwi eh, nang di manlang ako kinakausap. Akala ko galit siya sa akin pero mukang bangag lang yata.
She pouted at me and squinted her eyes more. “Gabi, inom tayo.”
I was shocked pero inabot ko agad sa kanya ang juice ko saka siya sinamaan ng tingin. “Ayan uminom ka.” Kaloka, may balak pa atang maglasing.
“Gabi naman eh!” She whined like a little child. “Rini how about you? Inom tayo.”
“Tell us what happened and we'll decide.” Pagsusungit ni Rini. Napatikom tuloy si Briel at bumaling ulit sa akin.
“Hubby, inom tayo.” Pagpapacute niya pa. Now she's using that nickname again?
I was ready to scold her nang may tumabi sa akin. Sa harap ko kasi nakaupo sina Rini, Maxy at Briel at kami lang ni Tim ang nasa kabila kaya may bakante pa. Nakaupo tuloy yung asungot.
“Anong meron?” Nakangiting tanong nito. Napairap lang ako bago kumain ng in-order kong spaghetti. Nakakawalang gana ah.
“Trevor, inom tayo.” Pacute pa ng gaga kay Trevor. Sinenyasan siya ni Rini na umayaw pero ang asungot ngumiti lang ng malawak saka pumalakpak pa. Bwisit.
“Sige game! Saan tayo?”
Umaliwalas ang muka ng gaga at lumapit pa kay Trevor. She held his hands na ikinapula ng gago.
“You'll buy the beer, tapos dun tayo sa kwarto nina Rini!” Briel exclaimed kaya lahat kami napatingin kay Rini na mukang nagulat rin.
“Hoy sinong may sabing pinapayagan ko kayong uminom?” She crossed her arms and gave us a glare. Mabuti naman at masungit siya. Briel then looked at Maxy.
“Maxy? Sa inyo pwede?” Maxy glanced at me bago dahan dahang ngumiti at umiling.
“May magagalit.” May pang-asar niyang sagot na ikinairap ko.

BINABASA MO ANG
She's into Gays
Teen Fiction🌈 Gabi has always been gay, and every sane person knows that yet there she was a sweet tease for him. Oh well like she said, "I'm into gays." She's into gays. /completed.