Chapter 65: Remember Me

326 13 1
                                    

JANA

WE were able to build our tents before sunrise. Pagkatapos no'n, nagsimula ng magluto ang iba para sa hapunan namin habang nagpapahinga naman ang iba. Tumulong ako sa pag-iihaw ng ilang isda at barbecue samantalang pa-relax relax lang si Lucy. Nagluto din ng ilang ulam na may sabaw ang iba dahil may supplies naman kami at paglutuan.

It was almost eight in the evening when the dinner was finally ready. Sabay-sabay kaming kumain lahat and after that, sila Sir Valle at Sir Dela Vega daw muna ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. But by tomorrow and the next day after tomorrow, turn naman daw namin.

After brushing our teeth, nagsipasukan na kaming lahat sa mga tent namin. The tents are only on the same size. Malawak sa loob at matibay. Kasya nga yata ang apat na tao sa loob ng isang tent at nakakaupo pa kami ng maayos sa loob ng hindi yumuyuko.

I looked at Lucy who was still busy on her phone. "Tama na ang pag-chat kay Jay. Kanina pa kaya kayo magkasama." Sabi ko habang tine-text din si Papa. But to no avail, wala pa din masagap na signal ang phone ko.

"Eh? Why ikaw? Kausap mo si Zild?" I glared at her when she said that in a teasing tone. She just laughed it off. Natigil lang siya ng humikab siya bigla.

"You're sleepy. Matulog ka na." This time, hindi na siya umangal pa at humiga na.

"Goodnight, Jana."

"Goodnight." Kinumutan ko siya ng saktong pumikit na ang mga mata niya. Tinabi ko naman ang phone niya.

After that, I tried sending another message to Papa again. Pero napahinga na lang ako ng malalim dahil hindi pa din iyon na-send dahil sa walang signal. I looked at Lucy who was already sleeping peacefully before opening the zipper of our tent. Lumabas ako ng tahimik at kaagad din na isinara ang tent.

Nilibot ko ang tingin ko at napansing wala ng tao dito sa labas. Madilim na din at malamig ang hangin. "Buti pala nag-jacket ako." I just sighed and started to find a signal.

Nagsimula akong maglakad habang nakataas ang phone ko para makasagap ng signal. Kahit isang bar lang pwede na.

I just stopped when I noticed that I am already entering the woods. Hindi ko man lang napansin. When I looked at my phone, may nakita akong isang bar ng signal kaya kaagad kong na-send ang message ko kay Papa. I told him that we are already at the campsite and we arrived safely. Sigurado kasing mag-aalala iyon. At isa pa, ito naman talaga ang bilin niya. That I should text him if we are already here. Ang kaso, hindi ko iyon nagawa kanina dahil busy kami at wala ding signal.

I waited for minutes but I didn't saw a reply from him. Nang tignan ko, wala na namang signal. I just sighed. Atleast nasabi kong ligtas kami.

Binulsa ko na ang phone ko at maglalakad na sana pabalik sa tent ng natigilan ako dahil pagkalingon ko, I saw Joshua staring at me. "What are you doing here?"

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo n'yan?" Nakangisi niyang tanong. Tumaas ang kilay ko. Akala ko tulog na ang lahat. May isa pa palang tsunggong gising.

I just rolled my eyes at him at lalagpasan sana siya when he suddenly grabbed my hand. I looked at him after I took my arm back. "What do you want?"

Instead of answering me, namulsa lang siya at nagkibit balikat. After that, he suddenly smiled at me. Nagulat pa ako doon. He was genuinely smiling at me. "Nagpapasalamat ako at ligtas ka."

Then he left me there dumbfounded.

Kumunot ng todo ang noo ko dahil sa sinabi niya. He's thankful because I am safe? Lumingon ako at nakitang pumasok na siya sa tent nila. Tangina. Ano bang problema ng Joshua na iyon at ginugulo din ang isip ko?

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now