Chapter 57: Going Back

297 13 0
                                    

JANA

"W-WHAT?"

Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya pero nasimulan ko na. Tatapusin ko na. "Her skin is so pale. Halos mawalan na siya ng buhok sa ulo niya. She's so thin like she didn't eat any kind of food for a year. Her lips is turning white. She was just there, lying in her bed like a person soon to be good as dead." Sabi ko. Pinilit kong hindi mautal para maramdaman niyang totoo at seryoso ako sa mga sinasabi ko.

Nagulat naman ako ng mapakla siyang tumawa. "Are you joking? That's so funny. Siguro iyon na ang tinatawag nilang karma. She's sick now because of her being a useless mother." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita ng ilang minuto dahil sa gulat. He's calling his mother useless? Nakaalis na ang mga bata sa park dahil papadilim na. Kagaya ng lalaking nasa tabi ko, nilamon na ng galit niya.

I sighed. "She have brain tumor, stage three. Hindi umuubra ang mga gamot sa kanya at kahit na anong therapies. The therapies can help her but it can't cure her. The only way for her to survive is through an operation. Pero hindi gusto ng Mama mo. Because even the doctors, hindi nila masiguradong mabubuhay ang Mama mo pagkatapos ng operasyon. She might die during the operation or worst, she might die any moment from no-"

"Stop it!" Napalingon ako kaagad sa kanya ng napatayo siya. He looked at me at kitang-kita ko ang galit niya. I gulped. "'Yan ba?! Iyan ba ang hiniling ng mga Vinos sayo?! Stop that, Jana. I will never go and see that woman!" Napaiwas ako ng tingin. Mukhang kahit hindi ko sabihin, alam na niya.

Pinakalma ko ang sarili ko. It will do nothing good kung sasalubungin ko din ang galit niya. "She already accepted that she will die any moment from now. P-Pero isa lang ang gusto niya, ang makita ang mga anak niya sa huling pagkakat-" Napapikit ako ng mariin ng hindi na naman niya ako hinayaang matapos sa pagsasalita.

"I said stop!"

"Kung makikita niya kayo bago pa mahuli ang lahat, she can die peacefu-" Napaawang ang labi ko ng yumuko siya at mahigpit na hinawakan ang magkabilang braso ko. Tinignan niya ako ng mabuti. Seeing his eyes this close, nanginig ako. I can vividly see the raging fire in his eyes. He's mad. Very very mad.

"Tumigil ka na!" Sabi niya at marahas akong binitawan. Saglit pa akong napangiwi dahil ang higpit ng hawak niya sa balikat ko na parang nadurog pa ang mga buto ko.

I calmed myself even I wanna explode. "Three years ago when she was diagnosed as a cancer patient. Tanging ang pamilya Vinos lang ang nakakaalam tungkol dito dahil tinago niya ito sa pamilya niyo, s-sayo." Sambit ko at galit siyang tumingin sa akin na parang sinasabing tumigil na ako. I can feel that he's holding his anger back so he can't do anything to me. "They tried seeking for a cure, iyong madalian para mas mabilis siyang gumaling. Pero walang gumana-" Napatayo ako ng makitang tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo. But he stopped when I began speaking again. "That's why she left your family, that's why she left you. Ang sabi niya, she rather die alone than die with you seeing her dying. Hindi niya gustong mahirapan kayo. With the fact na sobrang bata pa ng mga kapatid mo." Sambit ko. Hindi ko alam pero nagtutubig ang mga mata ko habang sinasabi lahat ng ito sa kanya. Maybe because I also felt that pain a long time ago?

Humarap siya sa akin. "I will never let my siblings see her. She left us so she can die alone, then she will die alone. Ginusto niya 'yon, panindigan niya. She doesn't deserve to be called a mother because she never became one. Sa tuwing iiyak ang mga kapatid ko, nasaan ba siya? Sa tuwing kailangan namin siya, nasaan siya? Everytime I needed a mother's hug, nasaan siy-" This time, I was the one who cut him off.

"Sa tuwing sumisigaw siya sa sakit, nasaan ka? Sa tuwing nagte-theraphy siya, nasaan ka? Sa tuwing kailangan niya ng masasandalan, nasaan ka? She wasn't there when you needed her, pero wala ka din noong mga oras na kailangan ka niya. Zild, being left by someone important to you is painful. But leaving someone who meant everything to you can kill you. Hindi lang kayo o ikaw ang nahirapan. Gano'n din ang Mama mo." Sabi ko at nakita kong natahimik siya. Nakikita kong humuhupa ang galit sa mga mata niya pero mukhang pinipigilan niya.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now