Chapter 32: Insulted

332 7 0
                                    

Sorry po kung na-skip 'yung chapter 31, bigla na lang kasing nawala. but don't worry. Gagawa ako ulit ng bago then post ko agad. hehe😅

JANA

HUMINGA muna ako ng malalim bago pumasok sa classroom namin. Binati ako nila Rico pero nilibot ko lang ang mga mata ko sa buong classroom. I looked at his chair but I didn't saw him.

Napabuntong hininga ako. Wala pa siya.

Nilagay ko na sa upuan ko ang mga gamit ko. Tinignan ko ang relo ko at nakitang may 30 minutes pa bago mag-start ang klase. Lumabas ako ng classroom at naglakad papunta sa tambayan no'ng apat.

Napapabuga na lang ako ng hangin habang palapit ako ng palapit. I'm silently hoping that he's there, that he'll go here today. Gusto ko siya makausap, gusto kong i-explain ang side ni Yaya Linda sa kanya na hindi niya pinakinggan noon. Gusto ko kasing matapos na ang paghihirap ni Yaya.

Kaninang breakfast nga, halos hindi siya nagsasalita. Ngumingiti siya pero hindi naman umaabot sa mga mata niya. I sighed. Their sudden meetup caused her so much pain. Kahit itago niya pa sa akin 'yon, nararamdaman ko. Nakikita ko.

At ayaw ko no'n. That's why I will do everything for Alvarez to forgive my second mother. Hindi deserve ni Yaya na masaktan ng gano'n. She only did that to save her child's life. May pagkakamali siya, yes, but she never wanted to do it.

Huminto ako sa tapat ng pinto ng tambayan nila at hindi mapigilang isipin kung kailan ako huling tumuntong dito. Noong nawalan yata ako ng malay? Sa pagkakaalam ko, 'yon ang huling beses na nakapunta ako dito.

"You can do this," I said to myself. Without knocking, I opened the door.

"Salamat naman at pumasok ka n- J-Jana?" naabutan ko sila Darren at Inigo sa loob. Napatayo silang dalawa sa pagkakaupo at tinignan ako ng nakakunot noo.

"Akala niyo ba ako si Alvarez?" ngisi ko dahil sa sinabi ni Inigo ng hindi pa niya nakikita kanina na ako pala 'yung pumasok. Tumango naman siya. Naglakad ako palapit sa kanila.

"What are you doing here?" tanong ni Darren. Bigla naman siyang ngumisi. "Miss mo na ako, ano? Kaya ka nandito?" I rolled my eyes. Ang kapal talaga ng gago na 'to. Palagi na ngang naka-enervon dahil sa sobrang sigla, palagi ding naka-full 'yung kahanginan. Dinaig pa ang aircon.

Walang paligoy-ligoy, nagtanong na ako. "Nasaan si Alvarez?" I asked at nakita kong nagkatinginan silang dalawa. Sa tingin pa lang na 'yon, alam kong may mali. Napabuntong hininga ako ng hindi pa din sila nagsasalita. "I know something is not right. Kapag sinabi niyo sa akin kung nasaan siya, baka makatulong ako sa pagtatama ng isang pagkakamali." Sabi ko at pilit na tumawa naman si Darren.

"Paano mo naman nasabing may mali? Malay mo, ayaw niya lang talagang pumasok," nakangiti niyang sabi at hindi ko napigilan ang sarili ko na mapairap. He's diverting the topic.

"Paano? I'm not stupid. Base on how you and Inigo look at each other sa tuwing binabanggit ko siya, alam ko ng may meaning, may mali," sabi ko at hindi napawi ang ngiti niya. Kaso, nag-iwas siya ng tingin.

"Kung sakaling may mali, paano mo naman masasabing makakatulong ka?" I looked at Inigo ng magtanong siya. Ilang segundo pa akong natahimik sa tanong niya. Hinahanap ko ang mga tamang salita na dapat sambitin.

I sighed. "Honestly, hindi ko din alam. Pero sa tingin ko, dapat akong makeelam sa problema niya," sabi ko at parehong kumunot ang mga noo nila.

"Ha?"

Magsasalita pa sana ako ng sabay silang magtanong pero bigla kong narinig ang isa pang boses na kakadating lang.

"Shit! Shit! Naglalasing na si Zil-" natigilan si Jay sa pagsasalita ng lumingon ako at ng makita niya ako.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon