Chapter 3: Problems

571 22 0
                                    


GABI na nang magkita ang apat na magbabarkada sa bar ng pamilya nila Darren. His family owns some of the most famous bars and clubs all-over the country kaya hindi maipagkakailang mayaman siya.

"Sup bro! Ano okay ka na?" tanong agad ni Darren nang makita si Zild. Nakaupo sila sa bar counter at agad na nakaagaw atensyon ng mga babae ang apat.

Nilagok muna ni Zild ang isang shot ng alak bago sumagot. "Not really"

"Oh bakit naman? Kalimutan mo na 'yung nangyari kanina" sabi naman ni Inigo habang pasulyap sulyap kay Jay na may kahalikang babae to think na halos kadarating lang nila. Bahagya niyang siniko si Jay para matigil siya sa ginagawa niya dahil ang sama na ng tingin ni Zild sa kanila lalo na sa babaeng kahalikan niya. They all know that Zild hate girls and any moment from now, baka bigla na lang malagutan ng hininga ang babaeng iyon.

"Huwag kayong magulo!" Jay said between kisses pero agad din siyang natigilan ng malakas na binagsak ni Zild ang basong hawak niya. Naitulak niya pa ang babae sa sobrang gulat at takot kay Zild. Naiinis na umalis ang babae at agad naman na humarap si Jay habang nakangiti ng malapad kay Zild.

"A-ano nga ulit 'y-yung pinag-uusapan niyo?"

Napatingin sila kay Zild nang diretso niya ulit na ininom ang isang baso ng alak.

"My dad wants to meet my girlfriend after three months and they want us to get married"

"What!?"

Sinamaan ng tingin ni Zild ang tatlo niyang kaibigan ng napasigaw sila. Ilang minuto rin silang natahimik ng biglang bumulalas ng tawa si
Jay at hawak hawak pa nito ang tiyan.

"Talaga lang ah? Eh wala ka ngang girlfriend!" sabi niya. But he immediately shut his mouth when Zild glared at him dahil alam niyang seryoso ito ngayon. Kailan nga ba hindi?

"And your problem is your dad wants you to get married and the fact na wala kang girlfriend?"

"Exactly" sabi ni Zild sa tanong ni Darren.

"Edi mag-girlfriend ka! Sus! 'Yun lang pala eh!" sabi ni Jay at nakatikim siya ng batok mula kay Inigo.

"Eh paano? We all know na allergic sa babae 'yan" sabi ni Inigo at tumango naman si Darren. Nanatiling tahimik si Zild habang nakatingin sa kawalan.

Napatingin naman sila kay Jay na bigla na lang nagsnap sa hangin.

"Alam ko na! Edi maghanap ka ng babaeng magiging girlfriend mo! 'Yung babaeng mamahalin mo!" sabi ni Jay habang tumatango-tango. Nagkatinginan naman sila Darren at Inigo and they both shrugged and look at Zild.

"I can't love a girl" sabi ni Zild at uminom ulit. Sariwa pa sa kanya ang mga alaala ng kahapon at sa tingin niya ay hindi pa siya handang kalimutan lahat ng iyon. And he know that as long as hindi niya pa kayang kalimutan lahat ng iyon ay hindi niya makakayang buksan ang puso niya ulit para sa mga babae... na hindi niya pa kayang magmahal ulit..

"Then maghanap tayo ng babaeng magpapanggap na girlfriend mo? Then introduce her to your dad atsaka kayo magpakasal. Then when everything is settled, hiwalayan mo" napatingin sila kay Inigo nang sabihin niya iyan.

"Oo nga! Tama! Tama!" sabi ni Jay habang napapatango-tango. Tumango lang din si Darren at tumingin kay Zild.
Hindi naman nagsalita si Zild.

"But where can we find the perfect girl for him? At isa pa, kilala natin si Tito Angelo. Ayaw niya nang pipitsugin lang. Saan tayo makakakita ng babaeng papasa sa Dad ni Zild?" sabi ni Darren at natahimik sila. Zild's dad is one of the most successful businessman not only in the country but also sa labas ng bansa. Kaya alam nilang ang ine-expect nito ay isang maganda, matalino, may class at higit sa lahat ay mayaman na babae.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now