Chapter 23: Peace Offering

354 13 0
                                    

JANA

KANINA pa ako gising pero parang tinatamad akong bumangon. Gusto ko pang matulog pero tinatamad akong matulog. In-short, tinatamad ako ngayon at nakahilata na lang sa kama ko.

I took a deep breath. Sinipat sipat ko ang noo at leeg ko at nagpasalamat na hindi naman ako mainit at hindi din masama ang pakiramdam ko. Pero.... kinakabahan ako.

I'm planning to say sorry to him. Kung kailangan na itali ko siya sa upuan at ikulong sa isang kwarto para lang pakinggan niya ang paghingi ko ng tawad, gagawin ko! Imbyerna naman kasi siya. Daig niya pa babaeng nagpapaligaw. Sobrang pakipot ng gago akala mo naman gwapo.

"Anong oras ng bata ka! Wala ka bang balak na bumangon dyan? Male-late ka na!" agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ng marinig anh sigaw ni Yaya. I looked at the door and there, nakatayo doon si Yaya habang nakapameywang at pinandidilatan ako ng mata.

"Isa!"

"Ito na 'ya!" napatayo ako at kumuha agad ng towel atsaka tumakbo papasok ng CR ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako. Kapag nagsimula na kasing magbilang si Yaya, isa lang ang ibig sabihin no'n. Kumilos ka na bago ka pa niya buhatin at ibagsak sa lupa. Gano'n 'yon.

Agad akong nagpalit ng damit pagkatapos maligo. Nagpatuyo ako ng buhok ng mabilisan at itinali na ang buhok ko. And I'm done.

Bumaba na ako habang suot suot ang bag ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung anong oras na. It's already 7:16 in the morning! Aish. Ang late ko nga nagising.

Pumunta na ako ng kusina at nadatnan ang pagkain sa lamesa pero wala na akong oras pa para kumain. Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko dahil may oras pa akong magmuni-muni kanina samantalang male-late na pala ako. Tanga much.

"Bye na 'ya! Sa AU na lang po ako kakain. Late na po ako eh" sabi ko kay Yaya at humiwalay na ng yakap.

"Teka! Kunin mo na lang ito" I looked back at nakita si Yaya na naglagay ng dalawang sandwich with tune spread sa sandwich bag. Inabot niya iyon sa akin at tinanggap ko naman iyon. Gutom na kaya ako.

"Thanks 'ya!" I was about to go ng mapansin ko ang isang basket ng prutas na nakapatong sa pinakagilid ng table. Bigla ko siyang naalala.

"Gusto mo ba ng prutas? Kumuha ka" sabi ni Yaya ng mapansing nakatingin ako doon. Tumango lang ako at kumuha ng isang mapulang mansanas. I smiled at her and ran towards the door.

Nilagay ko sa bag ang apple at saktong pagbukas ko ng gate ay nando'n na din si Manong Sic.

I ate the sandwiches on our way to AU at hindi na ako nagtaka na naubos ko iyon kaagad. Gutom ako eh. At ang mga taong gutom, wala ng pake kung magmukha silang patay gutom kapag kumakain.

Nagpaalam na ako kay Manong Sic at bumaba ng kotse ng makarating na kami sa AU.

Dumaan muna ako sa dati kong classroom at sumilip sa loob. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita si Lucy sa loob na mukhang nagdro-drawing na naman ng kung ano-ano. I wonder, hindi kaya ito nagmumukhang loner kasi wala ako? Kapag kasi by partner ang activity, palaging kami ni Lucy ang magkapartner.

Pero bakit kaya absent siya kahapon? Nakipagdate siguro 'to eh.

I just shook my head with that thought. Okay namang makipagdate siya. Ang mahalaga, makikilala ko kung sino ang taong 'yon. Kapag gago 'yon, edi good. Gaga din naman si Lucy eh.

Pumunta na ako ng classroom namin at parang nasasanay na din ako. Medyo makalat at sasalubungin nila ako ng may ngiti. Sabay bati ng....

"Good morning Jana!" they vigorously said in chorus at natawa ako.

Finding Ms. RightΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα