Chapter 56: His Story

295 12 0
                                    

JANA

"IHAHATID na kita." Sabi ni Niko pagkalabas ko ng bahay nila. Hindi kasi namin namalayan ang oras at sobrang hapon na pala. Sure din akong nakauwi na ang mga estudyante ng AU dahil lagpas 5:00 na ng hapon.

"Hindi na. Mas kailangan ka nila dito." Sambit ko at hindi na siya umangal pa. Her aunt needs him more than I do. At isa, kaya ko namang umuwi mag-isa.

"Thank you, Jana. Mag-iingat ka." He said and smiled. Ngumiti lang ako sa kanya at kumaway. Lumabas na ako ng gate.

Nang magsara ang gate, napabuntong hininga ako. Now I know why Zild hates girls, ladies and women. Dahil lahat ng babaeng importante sa kanya, iniwan siya. But on the second thought, hindi naman kasalanan nila Ms. Alvarez at Yaya na iniwan nila si Zild. They needed to. Hindi nila ginusto.

I heaved a sigh at pumara ng taxi. Buti na lang at may huminto kaagad kaya sumakay ako. Sinabi ko ang address ng bahay namin at kaagad namang pinaandar ni Manong driver ang taxi. Napasandal naman ako.

Anong gagawin ko ngayon? I'm sure that Zild hates his Mom right now. Paano ko makukumbinsi 'yung tigre na 'yun? Hindi naman nakikinig sa akin 'yun eh! At isa pa, iniiwasan ko siya 'di ba? Ugh. Ngayon ko ang na-realize kung anong gulo na naman ang pinasok ko.

But what can I do? Tanggihan 'yung tulong na hinihingi ni Niko? I can't do that. Hindi ko kaya. Seeing Miss Ziana lying on that bed, I want to shed a tear. I want to cry. Siguro dahil nasasaktan ako for him.

For Zild.

Napabuntong hininga ako ulit.

Napatingin naman ako kay Manong taxi driver na napansin kong nakatingin sa akin ng nakakunot noo. Siguro mukha na akong timang dito sa kakabuntong-hininga. Naiilang akong ngumiti sa kanya at ngumiti din siya pabalik.

"Okay ka lang ba, hija?" Tanong niya. Alanganin lang akong tumango at tumingin sa labas ng bintana.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko gagawin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam.

Sa kakaisip ko ng mga bagay na dapat kong gawin, hindi ko napansing nasa harap na pala kami ng subdivision namin. Binaba ko ang bintana at nginitian ang mga guards na nagbabantay. Ngumiti at tumango lamang sila bago buksan ang gate para makapasok ang taxi sa loob.

The taxi entered our subdivision and only after some minutes, it stopped in front of our house. Nagbayad ako kaagad at lumabas ng taxi.

Napabuntong hininga ako. "What a day."

Binuksan ko ang gate at pumasok. Sinara ko ito. I walked towards the door but I immediately stopped when I saw someone standing beside the door. "A-anong ginagawa mo dito?" Tangina. Hindi ko alam kung tinutulungan ako ng tadhana o pinaglalaruan. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?

Hindi niya ako sinagot. He looked at me from head to toe kaya napatingin din ako sa sarili ko. Pagkatapos no'n, tumingin siya sa gate na nasa likuran ko kaya napalingon din ako. Then he suddenly looked at himself kaya tinignan ko din siy-what the heck? Bakit ko ba siya ginagaya? Napailing-iling ako at napalunok. His presense can make me feel uneasiness.

"Saan ka galing?" Napaawang ang labi ko sa tanong na iyon. Woah. I didn't expect that.

"S-sa gilid-gilid lang." Sagot ko at nakita kong napakunot noo siya. I want to slap myself because of my answer. Walang kwentang sagot. Ugh.

"Gilid-gilid lang? Is that even a place?" Ano bang problema ng tigre na 'to? And why is he even asking kung saan ako pumunta? Konti na lang iisipin kong concerned siya. Him? Concerned? Kalokohan.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon