Chapter 70: His Miss Right

441 17 0
                                    

JANA

"JANA!"

Kaagad akong lumingon ng marinig ko ang boses ni Lucy. Napangiti na lang ako ng makitang ang ganda niya sa ayos niya. Nakakulot ang buhok niya at may make-up. Hindi naman gaanong kakapal ang make-up niya pero mas light nga lang ang make-up sa mukha ko.

"Ready ka na?" I asked. Tumango lang siya at tumabi sa akin habang hinihintay naming magsimula ang program. Nag-uusap din ang mga parents namin sa gilid.

"You look pretty today ha! Well, kailangan ka ba hindi naging pretty?" Atsaka siya humagikgik.

I just laughed it off. "Baliw."

Ilang minuto lang ang lumipas at nagsimula na din ang graduation. Professional muna at pagkatapos, ilang messages mula sa ilang faculty members. We were just seating in our seats while watching the other grades receiving their rewards. Pumapalakpak din ako kapag pinaparangalan ang ilang estudyante dito na alam ko namang deserving.

When it's already our turn, pumunta na kami sa right side ng stage samantalang sa left side naman dadaan ang parents namin. We will just meet at the center of the stage. I just shrugged. Ang daming arte pero ewan ko ba, ang saya-saya ko ngayon para mang-bash.

Dahil ako ang pinakahuling tatawagin, ako ang nasa last. Pumapalakpak lang ako habang tahimik na pinapanood ang mga kaklase ko at ang ibang sections. When it's already section C's turn, napangiti na lang ako. Seeing the boys getting their rewards makes me feel so proud of them. I am so proud they were able to make it. At hindi ako mahihiyang ipagsigawan na kaibigan ko ang mga lalaki na 'yon.

Then, they started calling the names of the top students. Hindi by section ang top, pinagsama-sama daw nila ang top 10 sa lahat ng section ng grade 10 at thankful ako dahil ako ang nanguna. I just can't believe this. Parang noon lang ay elementary pa ako.

Napatitig naman ako sa lalaking umakyat sa stage. Chin up. Serious face. Straight body. He looks so dashing while wearing his toga. Napangiti na lang ako ng mismong ang may-ari ng AU ang nag-abot sa kanya ng mga parangal niya, his father. And I don't want to feel this way but I am so proud of him dahil siya lang naman ang pumapangatlo sa top.

I am so proud of you, Zild.

Nagulat naman ako ng bigla siyang sumulyap sa direksyon ko. I wasn't able to advert my gaze so he caught me staring at him. He genuinely smiled at me kaya hindi ko na talaga naiwas ang tingin ko. Iniwas na niya ang tingin niya kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.

This is bad.

Nang tawagin si Niko sa stage, bigla akong kinabahan dahil ako na ang susunod sa kanya. Ako na lang ang nag-iisa sa right side ng stage at nakita ko si papa at sila kuya sa kabilang side. Ngumiti sila sa akin kaya ngumiti din ako. But I think na ang ngiti ay naging ngiwi dahil kinakabahan talaga ako. I am so happy today but why I feel nervous all of a sudden? Hindi ko naman ikakamatay ang pag-akyat sa stage.

My father gave me an encouraging smile and it somehow lessen the nervousness I am feeling right now.

After the salutatory message of Niko, I heard my name. The people started clapping their hands. I breathe out. "Kaya mo 'to, Jana. You can do this." Huminga ako ng malalim at ngumiti bago umakyat sa stage.

Nanginginig ang kamay ko ng lumapit sa akin sila papa pagka-akyat nila. Binigay naman sa amin ni Sir Dela Vega ang mga medal ko. When I was able to finally touch my high school diploma, para akong maiiyak. Shit. Ganito ba talaga kadrama kahit high school graduation lang naman 'to?

"We are so proud of you." Bulong ni Kuya John sa akin. I smiled and looked at the camera in front of us. Kinuhanan din kami ni Yaya Linda ng picture. After that, bumaba sila ng stage samantalang lumapit ako sa emcee at kinuha ang mic na binibigay niya.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now