Chapter 1: Crossed Paths

1K 30 6
                                    

JANA

"OH my gosh!"

"Nandito na sila!"

"Jay! Pa-kiss!"

"Zild! Notice me please!"

Kanya-kanyang labas ng sari-sariling make-ups at pampaganda ang mga babae dito ngayon sa cafeteria. Maging ang bestfriend kong si Lucy nagretouch bigla.

"Uy! Ginagawa mo?"

"Gosh! Nandyan na si Zild my loves!" kilig na sabi niya habang nakatingin sa salamin niya at naglalagay ng lipstick.

Napailing na lang ako sa kaartehan ng mga babae dito ngayon sa cafeteria. Mga haliparot! Pumasok na kasi yung ala-F4 ng University namin. And so? Hindi naman mga gwapo. Kamukha nga nila yung paa ko eh.

Kumain na lang ako at hindi sila pinansin. The hell I care with those jerks? Heartthrob at mga Campus figure kaya ganyan makahakot ng mga babae. Ilang beses ko ng nakita ang apat na iyon at kahit saang parte ng mukha nila, hindi ko makita yung sinasabi nilang GWAPO! Well, hindi ko naman tinitignan dahil ang sakit lang nila sa mata.

Nagtaka naman ako ng biglang tumahimik kaya tumingin ako sa direksyon na tinitignan ng lahat. Nakita ko yung Zild, yung leader daw nila kuno at crush ng bestfriend ko na naglalakad palapit sa isang babae na halos mangisay na sa kilig. Mukhang alam ko na ang susunod na eksenang mangyayari.

"Hi Zild!" maarteng sabi pa nung babae. Tsk!

Hindi siya pinansin nung Zild at hindi na ako nagulat ng binuhusan niya yung babae ng isang basong juice.

"That's what you get for calling me in my name" malamig na sabi niya at bumalik dun sa mga kabarkada niyang tumatawa na ngayon.

Tumakbo yung babae palabas ng cafeteria habang umiiyak at basang-basa. Poor girl. Landi pa more.

I shrugged at kumain na lang. Tumingin ako sa bestfriend ko na mukhang maglalaway na kakatitig sa crush niyang ubod ng sama. Ewan ko ba dyan at sa lahat ng babae dito kung anong nagustuhan nila sa apat na yun. Apat sila eh, apat na mga mayayabang, antipatiko, hinayupak, bastos, kupal, walang modo, sira-ulo, makapal ang mukha, arogante, bwiset at mga demonyito. Those four are just a group of assholes na walang ginawa kundi maghari-harian dito.

Kumuha ako ng tissue at inabot kay Lucy. Nang mapansin niya iyon ay nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Tulo laway mo, punasan mo" sabi ko. Nanlaki mga mata niya at kinuha yung tissue agad at nagpunas nga. Napailing na lang ako. Nang makita niyang wala naman ay tinignan niya ako ng masama.

"Wala naman eh!"

"Kasalanan ko ba kung uto-uto ka?"

"Jana!"

"What?" nagpout lang siya at napailing naman ako. Nang matapos akong kumain ay tinignan ko ulit siya, at ang malandi kong bestfriend nakatitig na naman sa crush niya.

"Grabe! Ang gwapo talaga ni Zild my loves!" she said then giggled.

"Ang laki talaga ng deperensya ng mga mata mo" sabi ko kaya tumingin siya sa akin.

"Gwapo naman talaga siya eh! And you know Jana, sa ating dalawa ikaw ang may deperensya sa mata!" sabi niya. Hindi ko na siya pinansin at naglabas na lang ng libro na babasahin. Bahala siya dyan.

"Ano kayang mangyayari sa oras na sabihin ko ang feelings ko sa kanya?" malakas kong naisara ang librong hindi ko pa nasisimulan basahin ng marinig ko yung sinabi niya.

"Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Gusto mo bang mabuhusan ng juice? Maglinis bilang janitress sa buong university? Matapunan ng spaghetti sa ulo? Sumakit ang tiy-"

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now