Chapter 54

1.4K 31 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Tenext ko si Izzy na dalhan ako nito ng damit dahil hindi ako makakauwi ng bahay. Nasa loob ng banyo si Dwight at naliligo. Kaya naman nitong maligo ng mag-isa kaya hindi ko na kailangang samahan ito. Samantalang ako ay wala paring ligo pero ayos lang mabango pa naman daw ako sabi ni Dwight.

Inaayos ko ang sapin ng hospital bed nito ng lumabas ito ng banyo. Hospital gown parin ang suot nito dahil pasyente parin naman ito.

"Talaga bang ayaw mong maligo?" sabi nito habang pinupunasan ng tuwalya ang basa nitong buhok. Lalo itong gumagwapo sa paningin ko habang ginagawa nito iyon.

"Hey Hanna? Ok kalang ba ? Bakit bigla kang natulala jan?" nag-aalalang tanong nito.

"Bakit kaba kasi pinanganak na gwapo? Iyan tuloy I can't take my eyes on you." sagot ko.

Natatawa naman itong lumapit sa akin at niyakap ng isang kamay nito ang baywang ko kaya mas dumikit ako sa katawan nito. Habang ang isang kamay nito ay piningwit ang ilong ko.

Napatitig ako sa gwapong mukha nito. Hindi parin ako makapaniwalang nasa harapan ko na ulit ito. I really missed him, his smile, his laugh.

"Ahmm.. So pwedi na ba kitang tawaging Mhine ulit?" tanong ko

"Oo naman...I am always yours" nakangiting sabi nito.

"Mhine... Can you close your eyes?" ako

"What are you planning to do? Hahalikan mo ba ako?" panunudyo nito.

"Ikaw talaga puro kalukuhan ang nasa isip... Just close your eyes ok?" ako

Pumikit nga ito.. Tinitigan ko muna ito at kinuha ang pilik mata nitong nahulog sa may ibaba ng mata nito. Unti-uti namang nagmulat ito ng mga mata. Nagkatitigan kami pagkatapos ay muling naglapat ang mga labi naming sabik sa isa't isa.

Masyadong nadala kami sa nararamdaman namin kaya hindi ko napansin ang biglaang pagbukas ng pintuan.

"Anong ibig sabihin nito?" galit na sabi ni tatay. Bigla akong napabitiw sa pagkakayakap aky Dwight. Samantalang si Dwight ay nanatiling seryoso ang mukha.

"Ikaw lalaki.. Diba nangako ka sa aking lalayuan mo na ang anak ko? So anong ginagawa mo ngayon?" baling nito kay Dwight.

"Tama po kayo... Nangako ako noon but i just found out na hindi ko pala kayang lumayo sa anak ninyo." sagot ni Dwight

"Hindi ako makakapayag sa relasyon niyo.. Halikana Hanna at uuwi na tayo." hinila ako ni Tatay.

"Tay bakit po ayaw niyo kay Dwight? Siguro naman may dahilan kung bakit ginagawa mo to? Matanda na po ako at kaya ko nang magdesisyon sa sarili ko." Tumaas na rin ang boses ko kaya saglit na natigilan ito.

"Anak nakalimutan mo na bang muntik kanang mamatay nang dahil sa lalaking yan?" kalmadong sabi nito.

"Tay baka po ikaw ang nakalimot.. Matagal na sana tayong patay kung hindi dumating si Dwight noong kinidnap ka nang pinagkakautangan mo...pero nailigtas tayo ni Dwight nang oras na iyon diba?" mahinang maliwanag ko na may panunumbat ang tuno.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now