Chapter 37

1.3K 31 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Mahigpit ang yakap ko mula sa likod ni Dwight habang nakaangkas ako sa likuran nito. Palabas na kami sa parking lot nang bigla nitong itigil sa tabi ang motor nito.

Inalalayan ako nitong bumaba at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Are you alright? Sinaktan ka ba nila?" sabi nito habang cheneck ang katawan ko kung may mga galos akong natamo.

Umiling ako at napangiti. Alam kong nag-aalala ito sa akin dahil iyon ang sinasabi ng mukha nito habang tinitingnan ito. Bigla ko itong niyakap, mahigpit na mahigpit dahil sobra ko itong namiss.

"Thank you for being there tuwing nalalagay ako sa panganib... Thank you for being my knight." madamdaming sabi ko dito.

Nasa ganon akong posisyon nang bigla nalang may sumulpot na isang lalaking may hawak na baril at nakatutok kay Dwight. Mabilis kung iniikot ang katawan ko para saluin ang balang nakaabang para sana dito.

Sa isang iglap lang naramdaman ko ang balang tumagos sa balikat ko. Mabilis namang kinuha ni Dwight ang baril nito at binaril ang taong iyon.

Biglang ako nakaramdam ng panghihina. Dumaosdos ang katawan kong hawak-hawak nito kaya napahiga ako sa sahig habang yakap-yakap nito. Ramdam ko rin ang mainit na likidong lumalabas mula sa balikat ko.

"Hanna plz stay with me... Wag kang pumikit" nag-aalalang sabi nito. Hindi ko makuhang sumagot dahil hinang-hina na ako. Unti-unti nang pumipikit ang akin mata. Inaantok na ko at hindi ko na kayang pigilan iyon. Parang namamanhid na rin ang buong katawan ko dahil hindi ko na nararamdaman ang sakit.

Ang huling narinig ko nalang ang salitang "I love you" mula sa bibig ni Dwight.

Dwight's P.O.V.

Yakap-yakap ko si Hanna nang bigla nalang nitong ipinagpalit ang pwesto namin. Narinig ko nalang ang isang putok ng baril. Nakita ko ang isang tao sa harap ko habang nakatutok ang baril sa gawi namin. Mabilis kong kinuha ang baril sa baywang at binaril ito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa takot nang makita ang dugong nanggagaling sa balikat ni Hanna. Tinamaan ito.

"Hanna plz stay with me... Wag kang pumikit." nag-aalala kong sabi habang tinatapik-tapik ito sa pesngi.

Unti-unti nitong pinikit ang mga mata kaya doon na ko nagpanic.

"I love you Hanna...plz wag mo akong iwan... Stay with me plz." natataranta kong sabi.

Walang katao-tao sa paligid. Nanginginig ang mga kamay na tinawagan ko ang ambulance. After 5min dumating naman agad ito.

Nasa waiting area ako habang naghihintay sa resulta ng opirasyon ni Hanna. Tinawagan ko na rin ang mga magulang nito. Mahigit limang oras na ito sa operating room kaya hindi ako mapakali. Labis-labis ang pagdarasal ko na sana ay safe ito.

Maya-maya lang ay dumating ang mother at father ni Hanna. Sinalubong ko agad ang mga ito.

"Nasaan si Hanna? Nasaan ang anak ko?" umiiyak na tanong sa akin ng ina nito.

"Nasa operating room parin po si Hanna.. I'm sorry Nay kasalanan ko kung bakit nangyari sa kanya to." malungkot kong sabi.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now