Chapter 20

1.7K 42 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Ako ang klase nang tao na magaling sa pagtatago ng nararamdaman kaya bigla akong nagulat na bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang pag-aalala.  Mabuti nalang at mabilis akong nakaisip ng palusot.

Nagdadrive ako gamit ang sasakyan ni Zyrus. Sinamahan ko kasi si Hanna na umuwi muna sa kanila. Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa bahay nito. Hindi ito agad lumabas ng sasakyan kaya nagtaka ako.

"What's wrong?" kunot noo kung tanong.

"How did you know my address?" may pagtataka sa mukhang tanong nito.

Doon akong nagpanic dahil hindi nga nito sinabi ang address nito. Kaya agad akong nag-isip nang pweding palusot na naman rito.

"Ahm.. Nabasa ko sa resume na pinasa mo...remember?"- sagot ko.

Nakahinga ako nang maayos nang tumango-tango ito na parang naniwala sa sinabi ko. Pero teka, bakit ba bigla akong natetense sa harap ng babaeng ito?

Pagdating namin sa bahay nito napansin kong pinalibot nito ang tingin sa loob tiyaka bumuntong hininga nang malalim.  Maya-maya ay sinimulan nitong ibaba ang bagay na nagsisilbing pangharang sa karenderya. Alam kung mahirap iyon ibaba kapag mag-isa ka lang kaya tinulungan ko na ito. Para iyong lata na maingay na pinako lang sa mga kahoy. Pagkatapos maibaba ay inayos nito iyon para ilock sa loob. Tahimik na pinapanood ko lang ito.

"Pwedi mo ba kung hintayin? Magbibihis lang ako saglit." medyo nahihiya pa ito.

Pagkatapos kung tumango bilang pagsang-ayon ay agad naman itong pumasok sa loob. May limang minuto din siguro ang itinagal nito bago bumalik. Nakajacket na ito siguro dahil gabi na at malamig na din ang simoy ng hangin.


Hanna's P.O.V.

Akala ko ay babalik na kami sa ospital ngunit huminto kami sa isang supermarket.

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong ko.

"We need food to eat while staying at the hospital. Bumababa kana at samahan ako sa loob." seryosong sabi nito.

Nauna itong naglakad kaya hinabol ko ito.

"Teka sandali lang.. Are you saying magsstay ka sa ospital?" -kunot noong tanong ko.

"Yeah.. Bakit bawal ba?"  bigla itong tumigil at humarap sa akin.

Muntik pa akong mabunggo sa dibdib nito mabuti nalang mabilis akong nakapagpreno.

"H-hindi naman pero si lola--"

"Sinabihan ko na si Tita na doon na muna si grandma ng 1week sa kanya dahil sabi ko nagleave ka." sabi nito na nag-umpisa na namang maglakad.

Kumuha ito ng cart na paglalagyan ng mga bibilhin. Ako naman ay puno parin ng pagtataka sa mga kakaibang ikinikilos ni Dwight. Minsan nga naisip ko pa na parang ibang tao ang kasama ko dahil hindi naman ito dating ganon. Bakit pakiramdam ko bigla itong naging sweet?

Puro mga prutas, cup noddles tinapay at ilang mga sityerya ang pinamili nito. Habang ako ay tahimik na nakasunod lang dito.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now