Chapter 49

1.3K 39 0
                                    

Hanna's P.O.V.

"What are you doing?" ang malamig na boses ni Dwight ang nagpabalik sa akin mula sa pagkakatitig ng matagal dito.

"Ah eh.. Ahmm p-papalitan k-ko lang s-ssana ang ano.... Ang damit mo." natataranta kong sabi sabay bawi sa kamay kung nasa may tyan pa nito dahil sa pagbubukas ko ng butones habang hawak nito.

"I can do it myself so you can leave now." malamig parin nitong sabi.

Nasaktan ako sa inaasal nito pero hindi ko pinahalata dito. Bumalik ulit ang Dwight na kilala ko. Ang Dwight na seryoso at masungit. Naisip ko tuloy na ako lang pala ang masaya na nagkita kami ulit. Ako lang pala ang umasa na kapag nagkita kami magiging ok din ang lahat. Ngunit nakalimutan ko na in the first place sinadya pala nitong umalis. Kaya bakit ako ngayon nalulungkot na malamang hindi ito masaya na nagkita kami? Na sa totoo lang umalis pala ito dahil ayaw na nito.

Pero hindi ako dapat magpatalo sa lungkot baka may dahilan lang ito kaya hindi ko dapat ito husgahan agad. Kailangan kong alamin kung bakit bigla nalang ito umalis noon na walang paalam. I know mahal ako nito... Naramdaman ko iyon dahil sa ilang beses na nitong inilagay ang sarili sa kapahamakan para lamang sa kaligtasan ko kaya naniniwala akong may tinatago itong dahilan.

Hinayaan ko ito na ito na ang magpalit ng damit dahil nailang din akong gawin iyon.

"So.. Panunoorin mo ba akong maghubad ng damit?" sita nito dahil hindi ko parin inaaalis ang tingin dito.

"Bakit natuto kana bang mahiya ngayon? Diba dati mo nang ginawa yan sa harap ko?" sinalubong ko ang mga mapanuring tingin nito.

"Sigurado kaba panonoorin mo talaga ako?" naghahamong tanong nito.

"Paano kong sabihin kung Oo? Ayaw mo ba?" hamon ko din dito pero sa totoo lang gravi na ang lakas ng tibok ng puso ko sa tense na nararamdaman ko.

"Ok.. I will let you " sabi nito sabay hubad ng damit nito mula sa itaas hanggang sa baba talagang tinapangan ko ang sarili kong huwag ibaling sa ibang direksyon ang tingin ko. Kaya mula ng maghubad hanggang sa magbihis ito talagang hindi ko inalis ang tingin dito kahit nanginginig na ang mga tuhod ko.

Sino ba naman ang hindi manghihina kung ganon kaganda ang katawan nito. Mula sa malapad na dibdib, sa mga abs na matitigas at sa malalakas na kalamnan nito hihimatayin ka talaga. Buti nalang uminom ako ng vitamins kanina kaya may extrang lakas pa ako para titigan ang napakagandang tanawing iyon.

"See? Pagsinabi kong panonoorin kita gagawin ko talaga kaya wag mon akong hahamunin ulit." sabi ko pagkatapos.

Hindi naman ito nagsalita ulit. Nahiga ulit ito sa kama suot na ang hospital gown nito tyaka pumikit ulit.

Kinuha ko naman ang mga damit na hinubad nito at inisa-isang tinupi ang mga iyon.

"So mga ilang araw akong mamalagi dito?" biglang tanong nito habang nakapikit parin.

"Siguro kailangan mong manatili dito ng tatlong araw... Wala ka namang major injury na natamo kaya mabilis kalang dito." sagot ko.

Hindi na ulit ito nagsalita.

"Sino ba ang pweding tawagan ko para may makakasama ka dito?" tanong ko

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon