Chapter 6

1.9K 45 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Nagpumilit pa si tatay na ihatid ako ngunit hindi ako pumayag dahil ayoko nang abalahin pa ito. Alam ko kasing busy din si tatay sa kanten namin kaya ayokong sayangin pa ang oras nito. Sumakay nalang ako ng taxi dahil isang malaking maleta ang dala ko at maliit na backpack.

Inihinto ako ng taxi sa isang di kalakihang bahay. Dalawang palapag iyon na may malawak na garden sa labas.

Matapos makalabas ng sasakyan at mailabas ng driver ang dala kung maleta ay tumayo muna ako sa labas ng bahay ng ilang minuto bago pinindot ang doorbell.

Nakadalawang pindot ako ng may nagbukas sa akin ng gate. Isang babae iyon na nasa 30's na siguro ang edad. Nakasuot iyon ng unipormi na hula ko ay katulong doon. Agad namang ngumiti ito sa akin.

"Ikaw ba si Miss Hanna?"

"Opo ako po ang bagong nurse na kinuha ni Sir Dwight." nginitian ko di ito.

"Napakaganda mo naman.. Halika pasok ka sa loob hinintay kana ni Sir sa loob." ginantihan ko lang ng ngiti ang sinabi nito at sumunod na sa babae.

Nakita siguro nitong nahihirapan ako sa pagdala ng maleta ko kaya tinulungan ako nito. Pumayag naman ako dahil may kabigatan nga iyon dahil medyo sira ang gulong.

Pumasok kami sa salas kung saan nakita ko si Dwight na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro. Nakasuot ito ng itim na v-neck na t-shirt at isang jogging pants na itim din. Mahilig yata ito sa itim kasi ng huling kita ko nito naka all black din ito.

Dahan-dahan kaming lumapit doon.

"Excuse me Sir Dwight... Nandito na po si Miss Hanna." magalang na sa sabi ng katulong. Umalis naman agad ito at iniwan kaming dalawa roon.

Isinarado nito ang libro na binabasa at nagtaas ng tingin papunta sa kinaroroonan ko. Tumayo ito at ibinulsa ang isang kamay at lumapit sa akin. Bigla ko naman napigil ang paghinga nang may isang metro nalang ang agwat namin. Bukod kasi na ang lapit na nito napakabango pa.

"As far as I can remember umaga ang usapan natin na pupunta ka. Look at the time." unang araw palang sinita agad ako nito.

Tinuro pa nito ang malaking orasan na nasa dingding e halata namang hapon na ako dumating. Tinanghali kasi ako ng gising marami din ang kumain kanina sa kanten kaya tumulong muna ako sa mga magulang ko bago umalis.

"I'm sorry sir..M-may emergency lang sa bahay." paumanhin ko dahil alam kong may usapan talaga kaming umaga ako pupunta dahil tuturuan pa ako ng nurse na papalitan ko bago ito umalis.

Sa nakikita ko ngayon mukhang nakaalis na ang nurse na papalitan ko dahil hindi ko na makita ito doon kaya siguro ito parang galit dahil sa pagkalate ko nang dating.

"Next time ayoko na dinadala mo sa trabaho ang problema ng pamilya mo. Dahil nakaalis na kanina ang nurse na papalitan mo ako nalang ang magtuturo sayo ng mga dapat mong gawin. Pero bago yon sumama ka muna sa akin." napakaseryoso nito para tuloy akong giniginaw sa lamig ng pananalita nito. Feeling ko nagyeyelo ang paligid sa lamig ng boses nito. Mukhang suplado nga.

Sumunod ako dito simpre bitbit parin ang isang maleta. Tamimik lang akong sumunod dito kahit unti-unti nang naglilitawan ang mga butil ng pawis ko sa noo.

Pero bigla nalang ako nagulat nang bigla nitong inagaw  mula sa akin ang maleta at ito na ang nagdala. Wala na akong nagawa dahil mabilis na itong nagpatiuna sa paglakad. Parang ang gaan-gaan lang nito kung dalhin iyon gamit ang kanang kamay lang nito.

"Infairnese kahit suplado ito ay matulungin naman pala ito." anang isip ko.

Pumasok kami nito sa isang kwarto. Sumunod naman ako sa loob.  Simple lang loob niyon. May isang palaking lalagyan ng damit at isang pandalawahang kama lang ang makikita mo at isang lampshade na nakapatong sa maliit na mesa katabi ng kama. Inilapag nito sa isang gilid ang maleta ko at hinarap ulit ako.

"This will be your room for now. Ang kabilang kwarto naman ay ang kwarto ni lola. Pinagtabi ko kayo para mabilis mo siyang lapitan kapag tinawag ka niya. Meron kasing bell na ginagamit si lola na connected sa room na ito. Ginagalaw niya lang iyon kapag kailangan ka niya kaya maging alerto ka lagi." paliwanag nito habang patango-tango lang ako bilang tugon.

Lumabas naman kami agad para itour ako sa buong bahay dahil ayon dito dapat daw mafamiliarize ko ang buong bahay.

Maliban sa dalawang kwarto meron pang isang kwarto na nandoon na katabi ng kwarto ko. Akala ko kwarto nito iyon pero isa daw iyong guestroom para sa mga kamag-anak nitong bumibisita doon.

Matapos naming malibot ang buong bahay bigla akong napatingin sa 2nd floor.

"Off limit kana jan.. Akin nag buong 2nd floor kaya wag monang abalahin ang sarili mo tungkol sa lugar sa itaas." sabi nito ng mahuli akong napatingin doon.

"Sige po." iyon nalang ang naisagot ko dito.  Tyaka nalang ako makipagdaldalan kapag wala ito sa paligid nakakailang eh.

"So mamaya na kita tuturuan about sa mga iniinom na gamot ni lola dahil tulog pa ito. Ayaw ko naman na maesturbo ito kaya magpahinga ka mona sa kwarto na binigay ko sayo dahil mamayang 4:00 pa ang gising ni lola." sabi nito.

Nang maka-alis ito sa harap ko ay agad na akong pumasok sa kwarto at inayos ang mga gamit ko.

Mukhang palasalita naman ito pero  bakit kilala ito bilang tahimik at hindi palakibo? Siguro dahil kailangan lang nito magsalita at ibilin sa akin ang mga dapat gawin at mga kailanganin kong gawin.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon