Chapter 18

1.6K 44 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Saktong katatapos na naming magsnackd ng biglang magring ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ng kapatid ko kaya sinagot ko kaagad iyon.

"A-ate s-si t-tatay k-kinuha ng mga l-lalaki." umiiyak na sabi ni Izzy sa kabilang linya. Bigla akong kinabahan sa sinabi nito. Bumilis ang tibok ng puso ko sa tindi ng kaba.

"A-anong i-ibig mong s-sabihin?" nanginginig kong sabi.

"B-bumalik k-kasi d-dito ang mga l-laki... Binugbog n-nila si t-tatay at isinama nila sa k-kanila...huhuhu s-sinubukan namin silang pigilan pero w-wala kaming nagawa." dagdag pa nito.

Matapos makausap ang kapatid nagpaalam na ako kina Jason at Estifany ngunit hindi ko sinabi dito ang biglaan kung pag-alis.

Sumakay ako ng taxi dahil balak kung dumiritso sa lugar kung saan ang office ng loan shark na pinagkakautangan namin. Magkahalong takot at pag-aalala ang nararamdaman ko habang unti-unting palapit ako sa lugar na iyon.

Pagdating ko doon agad akong pumasok sa loob. Hindi naman ako pinigilan ng mga lalaking nagbabantay sa labas na parang iniexpect na nila ang pagdating ko. Pagpasok ko sa pinakaoffice nito nakaupo na doon ang pinakaboss nila.

"Nasaan ang ama ko?" galit na bungad ko dito kahit nanginginig ang boses sinubukan kong wag masindak sa takot..

"Just what I expected pumunta ka nga dito para sunduin ang ama mo." nakangisi nitong sabi.

"Ako nalang ang harapin mo at pabayaan mona si Tatay." matapang kong sabi pero actually kinakabahan na ako.

"Matapang ka ha.. Alam mo bang iyan ang pinakagusto ko sa babae ang mga matatapang?" nakangisi parin ito.

"Nandito ako para sunduin ang ama ko kaya sabihin mo sa akin kung nasaan siya." ako

"Relax miss beautiful... Sumunod ka sa akin at dadalhin kita doon." sabi nito.

Lumabas ito at bumababa ng building habang ako ay tahimik na sumunod lang dito. Pagkababa namin dumiritso kami sa maliit na eskinita kung saan sa dulo non ay may isa warehouse. Pumasok kami sa loob at bumungad sa aking mga mata ang nakakalunos na kalagayan ng aking ama. Duguan ang mukha nito at maraming galos sa braso. Habang ang mga kamay at paa nito ay nakatali. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni tatay.

"A-anong g-ginagawa mo d-dito?" nahihirapan itong magsalita.

"Tay nandito ako para sunduin ka." puno nang pag-aalalang sabi ko.

"M-ga d-elikado ang mga t-taong y-yan.. H-hinayaan n-nyo n-nalang sana a-ako d-dito." nahihirapang sabi nito.

"Wag na po kayong mag-alala tay..makakalabas po tayo dito." sabi ko pero ang totoo hindi din ako sigurado kung makalalabas pa kami ng buhay doon.

"Hindi mo yata kasama ang lalaking nambugbug sa mga bata ko." sabi ng boss sa akin.

"Hindi ko kilala kung sino man ang tinutukoy mo. Palabasin mona kami dahil sisiguraduhin kong mababayaran din namin ang utang sa loob ng dalawang buwan." mahinahon kung sabi pero binabayo na ng kaba ang dibdib ko.

Bigla akong nilapitan ng boss at hinawakan ng mahigpit sa braso.

Napaigik ako sa sakit dahil sa higpit nang pagkakahawak nito.

"Paano mo naman magagawa iyon? Pumuyag ka nalang na maging isa sa mga babae ko para bayad lahat ng utang niyo."

Dinuraan ko ito sa mukha dahil sa pandidiri dito.

"Kailan man hindi ako papatol demonsyong katulad mo." matapang kong sabi.

Pinahiran nito ang mukha at galit na hinarap ako. Mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa braso ko kaya napangiwi ako.

Bigla ako nitong sinampal ng malakas sa mukha kaya napaupo ako sa sahig. Alam kong nasugatan ako sa labi dahil nalasahan ko ang dugo mula roon. Nag-angat ulit ako ng tingin ay tinitigan ko ito ng masakit.

"Abat matapang kapa--" sasampalin pa sana ako nito ulit nang biglang may narinig akong malakas na sigaw. Nakita ko nalang ang dumudugong kamay ng boss na nasa harapan ko.

Dwight's P.O.V.

Sinundan ko si Hanna mula sa mall hanggang sa pumasok ito sa isang warehouse. May kutob na ako na mapanganib ang pupuntahan nito nang makita kong nagbago ang expression ng mukha nito ng makatanggap ng tawag.

"Zyrus makinig ka.. Elocate mo ang tracker ng phone ko at puntahan mo ako dala ang isang silencer na baril ko jan sa hideout. Magdala ka ng maraming bala wag kana magtanong kung bakit at dalhin mo nalang dito ASAP." pagkatapos kung makausap si Zyrus tahimik lang akong nagmasid sa paligid para pag-aralan ang buong lugar. After 15min dumating din si Zyrus dala ang bilib ko dito.

"Dito ka lang sa labas at e-hack mo lahat ng mga cctv na nakapalibot dito " utos ko para walang may makapansin sa pagpasok ko.

"Yan lang madali lang yan." mayabang na sabi nito.

Pero totoong magaling nga ito sa ganong bagay. Hinintay ko ang senyales nito tyaka tahimik na pumasok sa warehouse. Maraming nagbabantay ngunit dahil magaling ako sa armas isa-isa kung pinapataman ang mga ito. Hindi narinig ng mga ito ang putok dahil silencer ang gamit ko. Nang masiguro kong naubos ko na ang nagbabantay sa labas pumasok na ako sa loob. Narinig ko ang pagsigaw ni Hanna sa isang kwarto na nandoon. May dalawang lalaking nagbabantay sa labas ng pinto at agad kung pinaputokan ang mga ito.

Malakas kong sinipa ang pintuan ana agad namang nabuksan at mabilis na pinaputokan ang kamay ng lalaking nakahandang sampalin si Hanna. Napasigaw ito sa sakit nang tumama ang bala sa kamay nito. Lumapit ako dito at tinayaan ito ng baril sa ulo.

"How do you feel na kaya kitang patayin ngayon?" galit kong tanong.

"Boss maawa na kayo at pakawalan ako "  pagmamakaawa nito habang iniinda ang sakit sa kamay.

"Sa susunod wag mong abusuhin ang mga taong mahihina sayo. Kung gusto mo ng kaaway tawagan mo lang ako at hindi kita hihindian." dagdag ko.

"O-oo boss p-pinapangako ko n-na hindi n-na ako manggugulo sa kanila." natataranta nitong sabi.

"Starting from now I'll be watching you kaya siguraduhin mong tutuparin mo yang sinabi mo. Now leave." malakas kong sabi na ikinatakbo nito sa takot.

Nilapitan ko agad ang nakatulalang babae habang nakatingin sa akin. Puno ng pagtataka ang mukha nito dahil kita iyon sa expression ng mukha nito. Inilalayan ko itong makatayo pagkatapos ay kinalas ko ang tali sa ama nito. Nanatili itong nakatulala at hindi gumagalaw sa kinatatayuan nito.

"Hey Hanna? Are you ok?" tanong ko dito at tinapik ito sa braso kaya nakita ko ang namumulang braso nito pati na ang dumudugong bibig nito ay ngayon ko lang napansin. Napatiim bagang ako dahil nakaramdam ako ng galit nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa pinakawalan iyon sana ay tinuluyan ko nalang iyon kanina.

Nakita kong kumurap naman ito nang tapikin ko. Iginiya ko na sila palabas sa lugar na iyon bago pa makarating ang mga pulis.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon